Dismayado ang internet celebrity na si Xian Gaza dahil sa diumano’y hindi pa pagdating ng mga bakuna sa Pilipinas.
Sa isang social media post, pinuna ni Xian kung bakit mas nauna pa ang kampanya para sa pagtakbo ng alkalde ng Davao City na si Inday Sara Duterte.
Pinaalalahan din ni Xian na dapat ay h’wag ng iboto muli ang mga Duterte sa susunod na eleksyon.
“Kung gusto n’yong magdusa for another six years, then iboto n’yo ulit sila sa 2022,” ani Xian.
Sa mga nakaraang linggo ay may mga nagsulputang grupo kung saan ay hinihikayat si Mayor Inday Sara na tumakbo bilang Pangulo.
Matatandaan na naging kilala si Xian dahil sa kanyang magarbong style ng panliligaw sa ilang kilalang celebrities.
Ngunit naharap sa kontrobersiya ang nasabing internet celebrity dahil daw sa mga iligal na aktibidad na ginawa nito.
Noong 2018 ay sinentensiyahan ito ng limang taon matapos siyang lumabag sa Bouncing Check Law.
Inamin niya na ‘scam’ ang kanyang investment scheme na umabot ng 2.6-M pesos.
Sa ngayon ay nasa ibang bansa ang internet celebrity habang ibinibida ang kanyang bagong negosyong cryptocurrency na ‘Xian Coin’