Hindi naitago ni Vice Ganda ang pag alala sa mga Pilipino na hirap makaalis sa kanilang kahirapan.
Sa kanyang panayam sa isang contestant ng “Tawag ng Tanghalan” ay hindi naitago ng komedyante ang kanyang opinyon tungkol sa lagay ng ilan nating kababayan na kahit anong pagsusumikap ay hindi makaalis sa kasalukuyang lagay nila sa buhay.
Sabi ni Vice ay marami ang umaalis sa Pilipinas dahil sa mahirap ang buhay dito, ngunit pilit paring bumabalik para sa kanilang mga naiwang pamilya.
“Sana dumating ‘yung panahon na hindi na dapat umalis, kailan kaya ‘yun?” tanong ni Vice.
Ayon din sa kanya ay mas yumayaman ang mayayaman sa Pilipinas at mga mahihirap naman ay nananatili sa kanilang pwesto sa Pilipinas.
‘Ang problema talaga yung mayayaman lalong yumayaman pero ‘yung mahihirap parang hindi na sila makaalis talaga d’un, ‘di ba? Sana lahat makausad mula sa laylayan. Tutulungan natin ang isa’t isa.” ani Vice.
Payo naman ni Vice sa nasabing contestant, dapat daw ay tulungan niya ang kanyang kapwa kapag siya ay umunlad na sa buhay.
“Wag nating iwanan ang isa’t isa,” sabi ni Vice.