Home Celebrities ‘Born to be Wild’ host Kiko Rustia, binanatan si Pangulong Duterte: “Palpak ka at walang kwenta!”

‘Born to be Wild’ host Kiko Rustia, binanatan si Pangulong Duterte: “Palpak ka at walang kwenta!”

0

Maanghang ang mga naging pahayag ng Survivor Philippines castaway at ‘Born To Be Wild’ host Kiko Rustia kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang Twitter, binanatan ni Rustia si Pangulong Duterte matapos nitong aminin na hindi niya kakayanin na tapusin ng isang daang porsiyento ang korapsyon na nangyayari sa bansa.

“Don’t expect me to entirely clean as a pristine clean bureaucracy. That is impossible and cannot really be achievable,” ani Pangulong Duterte.

Hindi nagustuhan ni Rustia ang mga sinabing ito ng Pangulo kaya’t tinawag niya itong ‘palpak’ at ‘walang kwenta’.

“Palpak ka lang at walang kwenta. Kaya di nawala ang kurapsyon kasi ikaw mismo at mga alipores mo dumagdag dito,” ani Rustia.

“You made the problem even worse, at ang masaklap dun, kayo kayo nakinabang at the expense of the country and the Filipino People. Duterte- palpak na, bulok pa,” dagdag niya pa.

Binanatan din ni Rustia ang posibleng kandidatura ni Mayor Inday Sara Duterte.

“Sa politika, natural yung ayaw sayo dahil may iba silang kandidato na napupusuan o gusto… Pero ibang level yung kahit wala pang napupusuan o gustong tumakbo yung mga tao….E GALIT NA GALIT NA AGAD SAYO. THIS SAYS A LOT,” sabi ni Rustia noong makita niya ang litrato ng motorcade ng mga supporter ng alkalde sa EDSA.

Mag iisang dekada na ring hindi nakikita si Rustia sa telebisyon matapos itong maging host ng Born to be Wild.

Katulad ng ilang artista na nag retiro sa kanilang trabaho, pumasok si Kiko sa politika at tumakbo noong 2016 bilang konsehal ng Pasig City, ngunit natalo ito.

Sinubukan ulit nitong tumakbo noong 2019 sa ilalim ng nanalong alkalde ng Pasig City na si Vico Sotto, ngunit hindi parin ito nanalo.

Isa rin si Rustia sa sumuporta sa ABS-CBN noong ito’y nasa bingit ng pagsasara dahil sa diumano’y patong patong nitong paglabag sa batas.

Facebook Comments