Home Celebrities Robin Padilla may banat kay Kiko Pangilinan tungkol sa EDSA: “Wag kang magmagaling sa usapin ng EDSA!”

Robin Padilla may banat kay Kiko Pangilinan tungkol sa EDSA: “Wag kang magmagaling sa usapin ng EDSA!”

0

Hindi nakapagpigil ang aktor na si Robin Padilla na ilabas ang kanyang opinyon tungkol sa EDSA People Power na nangyari noong 1986.

Sa kanyang social media post, inihayag ni Padilla ang kanyang paniniwala na hindi natupad ang adhikain ng EDSA 1 dahil hanggang ngayon ay marami parin ang mga Pilipino na hindi umunlad ang buhay.

Binanatan din nito si Senador Kiko Pangilinan na hinimok ang mamamayan na alalahanin ang diwa ng EDSA People Power.

Ayon kay Padilla ay dapat si Pangilinan ang magising sa katotohanan dahil wala daw nagawa ang kanilang partido na Liberal Party sa bansa noong sila pa ang nasa kapangyarihan.

Tinawag ni Padilla na ‘power grabbing’ ang nangyaring People Power.

“Sir senator kiko Ikaw ang dapat magmulat ng mata mo at gumising sa katotohanan na wala ka Talagang nagawa bilang senador kundi mangbatikos,” ani Padilla na kilalang taga suporta ng kasalukuyang administrasyon.

“Matagal na kaming gising at Mulat sa Edsa Revolution na wala naman naidulot sa Pilipino kundi power grabbing. Mas lalong Yumaman Lang ang mga mayayaman at mas lalong naghirap ang mga mahihirap. Wag mo akong turuan sa people power na yan dahil isa ang tatay ko sa arkitekto niyan,”

Hinamon din ni Padilla si Pangilinan na mag pakita ng isang maralita na umunlad na ang buhay matapos ang EDSA 1.

“Kung Talagang May laman ang edsa revolution na yan magpakita ka kahit isang mangsasaka sa hacienda luisita na nakinabang dyan at nagkalupa o kahit isang mangingisda na nagkaroon ng sariling palaisdaan o Gumanda ang buhay o kahit isang manggagawa na umayos ang Sueldo at nabubuhay ng parehas sa iyo.”

Payo ng aktor sa senador ay dapat manahimik nalang ito dahil wala naman daw itong nagawa.

“Wag kang magmagaling sa usapin ng edsa revolution dahil walang revolution na naganap dahil wala naman nagbago. Presyo nga ng galunggong hindi na maabot ng isang mahirap na Pilipino kaya tumahimik ka na Lang sir,”

Umabot ng libo libong reaksyon ang post ni Padilla.

Hindi naman nagbigay ng kanyang tugon si Pangilinan sa mga batikos laban sa kanya.

Facebook Comments