Isinusulong ngayon ng kilalang taga suporta ng oposisyon ang tambalang Leila De Lima at Leni Robredo sa 2022 Presidential Election.
Sa isang post, ipinakita ng negosyante at pilantropong Filipino-American na si Loida Nicolas Lewis ang isinusulong na tambalan sa pagitan ni De Lima at Robredo.
Nakalagay sa nasabing litrato ang mga katagang “Puso ni Leni, Tapang ni Leila, Kailangan ng bansa sa 2022.
Isinusulong ito ng grupo na Bunyog-Pagkakaisa.
Hindi pa malaman kung isinusulong ba nila ang pagtakbo ni De Lima at Robredo sa mas mataas na posisyon sa gobyerno.
Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag si Robredo at De Lima sa isinusulong ng kanilang mga taga suporta.
Matatandaan na parehas na kilalang kritiko ng administrasyon si Robredo at De Lima.
Samantala ay hindi naman naiwasan ng ilang taga suporta ng gobyerno na pagtawanan ang nasabing plano.
Ayon sa blogger na si Sass Sasot ay hindi niya inakala na totoong mga taga suporta nila Robredo at De Lima ang nag gawa ng nasabing slogan.
“When I first saw this, I thought it’s a meme created by a silly DDS. But no, it’s from Imelda Nicolas, sister of Loida. PUso ni Leni, TApang ni Leila,” ani Sasot.