Home Celebrities Ellen Adarna at Derek Ramsay, kinumpirma na sila’y magkarelasyon na at walang ligawan na nangyari

Ellen Adarna at Derek Ramsay, kinumpirma na sila’y magkarelasyon na at walang ligawan na nangyari

0

Sa unang pagkakataon ay inamin ni Derek Ramsay at Ellen Adarna na sila’y mayroon ng relasyon.

Sa panayam ng Pep.ph sa celebrity couple ay ibinahagi nila ang kanilang istorya sa publiko.

Nangyari ang panayam sa mismong tahanan ni Derek na na feature noon sa kanyang vlog kasama ang dati niyang kasintahan na si Andrea Torres.

“May relasyon kami, oo,” pag amin ni Derek.

Kwento ni Derek at Ellen ay wala naman daw nangyaring ligawan sa kanilang dalawa.

“It’s just nagkakilala kami, from the dinner, every day, ‘O, workout.’” ani Derek.

Parang isang taon narin daw silang magkasama ni Ellen kahit na buwan pa lamang ang lumilipas.

Tingin din ni Derek ay nagkaroon ng “malaking spark” noong nakilala niya si Ellen na dating karelasyon ng aktor na si John Lloyd Cruz.

“Uhm, tama ka, may spark talaga. Sobrang laking spark. We just really are enjoying each other’s company. Sobra.” sabi ni Derek.

“Sa isang month, meron na kaming tawanan. Meron na kaming tampuhan… lahat meron na.”

Matatandaan na ilang linggo ng pinagdududahan ng mga netizens ang tila sweetness sa pagitan ni Derek at Ellen.

Lalong umugong ang balita ng nakikita ng magkasama madalas ang dalawang artista.

Ngunit hindi naiwasan ng ilang netizens na batikusin si Derek dahil kakahiwalay pa lamang nito sa kanyang dating nobya na si Andrea Torres.

Matatandaan na halos magbalak na ngang magpakasal ang dalawa at nagkaroon din sila ng sariling Youtube channel.

 

Facebook Comments