Home Celebrities Claudine Barreto, binanatan si Jodi Sta. Maria dahil masamang impluwensiya daw ito kay Raymart Santiago: “Nakalimutan mga anak ko”

Claudine Barreto, binanatan si Jodi Sta. Maria dahil masamang impluwensiya daw ito kay Raymart Santiago: “Nakalimutan mga anak ko”

0

Binanatan ng aktres na si Claudine Barreto ang kanyang kasamahan sa show business na si Jodi Sta. Maria at tinawag itong masamang impluwensiya sa kanyang dating asawa na si Raymart Santiago.

Sa isang panayam, sinabi ni Claudine na nagbago bigla si Raymart sa kanilang mga anak matapos magkaroon ng relasyon ang aktor at si Jodi.

“Hindi magandang influence si Jodi sa kaniya (Raymart). Mas okay siyang tatay nung hindi pa sila eh,” sabi ni Claudine.

Hindi rin daw naipaalam ni Raymart sa mga anak niya kay Claudine ang bago niyang relasyon kay Jodi.

“Tinawagan ko si Jodi…. Sinabe ko na ‘alam mo Jodi isa lang ang hiniling ko sainyo, na sabihin niyo saakin para maabisuhan ko yung mga anak ko. Kasi sinabe ko na mangyayare toh. Artista kasi kayo.’ Eh sabe ko, ‘eto yung iniiwasan ko yung may lumabas na pictures na makita ng mga anak mo bago mo sinabe. Bago niyo sinabe saamen.’,” ani Claudine.

“Pero yung anak niya, yun yung nakakainis dun, yung anak niya si Thirdy, inupo nila ni Raymart at inexplain na bagong boyfriend niya ulet. Diba?  Nakalimutan yung mga anak ko,” dagdag niya pa.

Pinaalalahanan din ni Claudine na dapat wag kalimutan ni Raymart ang kaniyang responsibilidad sa mga anak niya.

“Wag mong kakalimutan yung responsibilidad mo Raymart sa mga anak ko. At kasi kitang kita ko na hindi magandang influence si Jodi sa kaniya. Because si AC, yung ex-girlfriend ni Raymart, mas karespe respeto, in proper. Sobrang proper niya. And I’m in disbelief, hindi ko maintindihan pano nagawa ni Jodi lahat yun. Yun yung ano, na hindi manlang nagpasabe, or yung pinabayaan mo yung mga anak ko,” reklamo ni Claudine.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag sila Jodi at Raymart sa mga banat sa kanila ni Claudine.

Kinasal si Raymart at Claudine noong 2006 ngunit naghiwalay din ang dalawa nitong 2013. Nagkaroon sila ng apat na anak.

Sa ngayon ay si Jodi ang karelasyon ni Raymart.

Facebook Comments