Home Social Media Yorme Isko Moreno, pumalag sa kumakalat na tarpaulin sa kamaynilaan: “Tarpaulin ang kumalat hindi bakuna!”

Yorme Isko Moreno, pumalag sa kumakalat na tarpaulin sa kamaynilaan: “Tarpaulin ang kumalat hindi bakuna!”

0

Kahit si Manila City Mayor Isko Moreno ay napapansin na ang tila pagkalat ng mga tarpaulin sa kamaynilaan ngayong papalapit na ang eleksyon sa 2022.

Sa panayam sa kanya ng mga reporter, ipinagmalaki ni Yorme ang pagiging numero uno ng kanyang siyudad pagdating sa kahandaan sa mga darating na bakuna sa bansa.

“Nakuha ko lang ‘yong assessment, ang Manila ang number one sa readiness. We’re ready, sort of saying. May awa ang Diyos,” ani Moreno.

Ngunit may problema ngayon na kinakaharap ang gobyerno at ‘yon ay ang hindi pa mga dumadating na bakuna galing ibang bansa.

Inaasahan kasi dapat na darating ang mga bakuna ngayong buwan na ito, ngunit naantala ito.

Matapos nito ay nagbanggit ng ‘joke’ si Moreno sa mga mamamahayag matapos daw mapansin ng kanyang mga kababayan ang mga nakasabit na mga tarpaulin sa iba’t ibang bahagi ng siyudad.

“So, we are ready to deploy, talagang… kaya nga may joke dito sa Manila eh, nakakatawa nga ‘yong mga joke dito kasi ang daming mga tarpaulin. Bumaha ng tarpaulin, hindi vaccine.” saad ni Moreno.

Hindi naman binanggit ni Yorme kung ano nga bang mga tarpaulin ang kanyang binanggit.

Matatandaan na laman ng mga balita ngayon ang mga kumakalat na tarpaulin kung saan ay hinihimok ng mga tao si Davao City Mayor Inday Sara Duterte na tumakbo bilang susunod na Pangulo ng bansa.

Kahit sa mismong nasasakupan ni Moreno ay nakita rin ang mga nakasabit na “Run Sara Run” tarpaulins.

Parehong lumabas sa presidential survey si Duterte at Isko na pawawang kasali sa top 5 ng mga pinagpipilian ng mga tao na magiging susunod na pinuno ng bansa.

Noon pa man ay hindi na nagugustuhan ni Yorme ang mga nagkalat na tarpaulin sa kamaynilaan.

Nitong nakaraang taon ay ipinagutos mismo ni Moreno ang pagtanggal ng mga nakasabit na tarpaulin laban sa CPP-NPA-NDF.

 

 

 

 

Facebook Comments