Home Celebrities Kim Chiu, naging naluha matapos makaharap ang isang contestant na naki-yes, sa ABS-CBN shutdown

Kim Chiu, naging naluha matapos makaharap ang isang contestant na naki-yes, sa ABS-CBN shutdown

0

Naging emosyonal ang television host at aktres na si Kim Chiu matapos niyang makaharap ang isang contestant na sinuportahan ang panawagan na ipasara ang ABS-CBN Network.

Sa Tawag ng Tanghalan segment ng noontime show na “It’s Showtime” isa sa mga kalahok ay inamin na naki-yes to ABS-CBN shutdown din siya noong kasagsagan ng franchise hearing ng nasabing kumpanya.

Hindi naman napigilan ni Kim na ilabas ang kanyang opinyon at sinabi na kahit na ang mga hindi pabor sa ABS-CBN ay binibigyan ng pagkakataon at tinutulungan ng network na kanilang ipinapasara.

“Hindi lang naman siya yung binigyan ng pagkakataon na pinapasok nating muli dito sa Kapamilya channel na nag-yes sa ABS-CBN shutdown,” ani Kim.

“Ganito pala yung feeling… Iba lang yung pakiramdam na tayong mga Kapamilya, yung mga nagsasabing ‘Yes to ABS-CBN shutdown,’ pinapatuloy pa rin natin sila dito para ipakita yung talent and tuparin yung pangarap nila,” dagdag niya pa.

Matatandaan na may mga kalahok din ng Pinoy Big Brother ang inamin na sinuportahan nila ang pagsasara ng ABS-CBN, ngunit sinabi nila na nagsisisi na sila.

Isa si Kim Chiu sa mga pinaka aktibong nagtanggol sa ABS-CBN sa kasagsagan ng isyu na kinaharap nito.

Sumikat pa nga ang mga pahayag nito habang pinagtatanggol niya noon ang kapamilya network.

“Sa classroom may batas, bawal lumabas, oh bawal lumabas. Pero ‘pag sinabi, ‘pag nag-comply ka na bawal na lumabas pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila, inayos mo ‘yong law ng classroom niyo at sinubmit mo ulit ay pwede na pala ikaw lumabas,” saad ni Kim Chiu habang ikinukumpara niya ang batas sa classroom sa pagsasara ng ABS-CBN.

 

Facebook Comments