Home Celebrities Kapamilya journalist na si Doris Bigornia inatake sa puso kaya’t kailangan dumaan sa operasyon

Kapamilya journalist na si Doris Bigornia inatake sa puso kaya’t kailangan dumaan sa operasyon

0

Ikinalungkot ng mga netizens ang biglaang nangyari sa mamamahayag ng ABS-CBN na si Doris Bigornia matapos itong magkaroon ng problema sa kanyang puso.

Sa isang tweet, malungkot na inanunsyo ng isa sa mga kasamahan ni Bigornia sa ABS-CBN ang nangyari sa betaranong mamamahayag.

Binigyan naman ng permiso ng pamilya Bigornia ang reporter na si Alwin Elchico upang ipaalam sa publiko ang nangyari.

Ayon kay Elchico ay kailangang dumaan sa operasyon ang mamamahayag na ngayo’y inoobserbahang mabuti ng mga doktor.

“Siya po’y inatake sa puso noong Linggo, papuntang Lunes. Siya po’y sinugod sa ospital at ngayon po’y nasa ICU [intensive care unit]. Ka-kaailanganin po ng open-heart surgery. So ang pamilya po ay humihingi po ng panalangin.” ani Elchico.

Hinimok naman ni MJ Felipe ang mga netizens na ipagdasal ang kanyang kaibigan na naging kontrobersiyal din noon.

Matatandaan na ilang beses ng humarap sa isyu si Bigornia dahil sa mga kaalitan nito.

Ilang buwan lamang ang nakakaraan ay binanatan si Bigornia ng mismong opisyal ng MMDA na si Celine Pialago dahil daw sa masamang ugali na ipinapakita nito.

Nangako din si Pialago noon na magsasampa siya ng reklamo laban sa mamamahayag.

“Remember the day, when you begged and asked for forgiveness in Mario’s Restaurant. Asking me to withdraw my case against you. Ang bait bait mo nun, umiyak ka at nagmakaawa. Naghanap ka ng padrino para makausap ako. Tinrato kitang tao. Ang pakiusap ko lang sayo. Tama na Mam, basta tama na kamalditahan mo.“ sabi ni Pialago noon.

“This time hindi kita papalagpasin. Kung meron akong pagsisisi ngayong 2020, yun ay yung pinatawad pa kita. Demonyo kang reporter ka,”  dagdag niya pa.

Facebook Comments