Kabiyak ng biktima ng dating pulis na si Jonel Nuezca, maluha luhang nagpasalamat kay Raffy Tulfo para sa bagong bahay nila

0

Hindi napigilan ni Florentino Gregorio ang maging emosyonal habang nagpapasalamat sa mga tulong na kanyang natanggap mula sa mamamahayag na si Raffy Tulfo.

Sa bagong episode ng Raffy Tulfo in Action ay kinamusta ng mamamahayag ang kalagayan ni Florentino at ng kaso na kanilang isinampa laban sa dating pulis na si Jonel Nuezca.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay ginimbal ang publiko ng kasamaan na ginawa ni Nuezca sa mag inang Sonya at Frank Gregorio na nakunan pa ng video.

Dahil dito ay nawalan ng asawa at anak si Florentino na siyang nangunguna ngayon para maparusahan ang dating pulis.

Inulan naman ng tulong ang pamilya Florentino mula sa mga may magagandang loob katulad ni Tulfo.

“Nagpapasalamat po ako talagang malaki na ang iginanda ng bahay namin lalo na kung nabubuhay lang yung asawa ko… talagang anlaki ng tulong niyo sa amin,” sabi ni Florentino kay Tulfo.

Ipinakita din naman ni Florentino ang malaking pinagbago sa kanilang bahay simula ng makatanggap ito ng tulong mula sa mamamahayag.

Kitang kita na maayos na ang bahay nila dahil sa tulong na kanilang natanggap.

Samantala ay binigyan din ni Florentino ng update ang publiko tungkol sa kasong isinampa nila kay Nuezca.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi parin daw nila nakikita ng personal si Nuezca dahil sa video conferencing lang lagi ang ginagamit nito para dumalo sa hearing.

Facebook Comments
Previous articleAbogado, ipinaliwanag kung bakit walang masama sa mga “Run Sara Run” tarpaulin na kumakalat sa bansa
Next articleKapamilya journalist na si Doris Bigornia inatake sa puso kaya’t kailangan dumaan sa operasyon
Rodrigo Extramadura is a Computer Engineering graduate who found his real passion in writing and following the daily happenings in the country.