Home Celebrities Janno Gibbs may mensahe sa mga nagsasabing pinaiyak niya ang kanyang co-host na babae: “Mahiya ka!”

Janno Gibbs may mensahe sa mga nagsasabing pinaiyak niya ang kanyang co-host na babae: “Mahiya ka!”

0

Hindi na nakapagtimpi ang singer at tv host na si Janno Gibbs sa mga nangungulit sa kanyang mga netizens.

Sa kanyang Instagram ay nag umpisa ng sumagot si Janno sa mga taong nagtatanong tungkol sa diumano’y paninigaw niya sa kanyang noontime show co-host na si Kitkat.

Sa kanyang Instagram story ay ipinakita niya lahat ng komento na kanyang natanggap sa mga netizens, katulad na ng pag aakusa sa kanya na walang modo at pumapatol sa babae.

Ang isa pa nga ay tinawag siyang “unprofessional” at sinabing ang ugali daw ni Janno ang dahilan kung bakit hindi na siya sinusubukang ibalik ng mga dating networks na kanyang napagtrabahuhan.

“The recent incident seals the deal on why networks you were once with couldn’t have any less regret on taking you back. Ang ere mo! Ano ba napatunayan mo na?!” ani ng isang netizen.

May isang netizen pa ang talagang naging prangka kay Janno at tinawag itong masama ang ugali at tinanong kung hindi ba siya tinuruan ng kanyang mga magulang na gumalang sa babae.

Dito na hindi nakapag pigil ang host at sinagot na ang kanyang follower na dinamay ang kanyang pamilya.

Tinawag na “tsismis” ni Janno ang kumakalat na balita sa kanila ni Kitkat at dapat daw itong ikahiya ng nasabing netizen kung naniwala siya dito.

“It’s didn’t your mom ‘Teach’ not taught. Mahiya ka naniniwala ka sa tsismis,” ani Janno.

Matatandaan na kumalat ang balita tungkol kay Janno matapos ilabas ng isang pahayagan ang diumano’y testimonya ng isa sa mga nakakita ng insidente sa pagitan ng singer at ni Kitkat.

Ayon sa saksi ay sinubukan paring ipakita ni Kitkat ang kanyang professionality kahit na siya ay naluluha na sa mga sinabi sa kanya ni Janno.

Nagbigay din si Kitkat ng clue na pinag iisipan niya ang pagsasampa ng kaso laban kay Janno.

Facebook Comments