Home Politics Abogado, ipinaliwanag kung bakit walang masama sa mga “Run Sara Run” tarpaulin na kumakalat sa bansa

Abogado, ipinaliwanag kung bakit walang masama sa mga “Run Sara Run” tarpaulin na kumakalat sa bansa

0

Naging kontrobersiyal ang mga kumakalat na tarpaulin kung saan ay hinihikayat si Davao City Mayor Inday Sara Duterte na tumakbo bilang susunod na Pangulo ng bansa sa 2022.

Matatandaan na naglipana ang mga “Run Sara Run” tarpaulin sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kasi sa ilang mga netizens, ay maagang pangangampanya ang ginagawa ng mga taga suporta ni Inday Sara at iligal ayon sa Omnibus Election Code.

“NO TO SARA MMDA to probe Sara’s illegal early electioneering! The same Sara who said she will not run. She blatantly lies & defies the law like her father,” ani netizen Tina Astorga.

Ngunit ayon kay Atty. Trixie Cruz-Angeles ay walang basehan upang sabihin ng mga kritiko na iligal ang mga kumakalat na mga tarpaulin na nagpapakita ng suporta sa alkalde.

Ipinakita ng abogado ag isang parte ng Omni Bus Election Code kung saan ipinapakita na ang mga opinyon ng publiko o ang usapan tungkol sa paparating na eleksyon ay hindi maaring ikonsidera bilang pangangampanya.

“It is unlawful to solicit votes or undertake any propaganda on the day of registration before the board of inspectors and on the day of election, for or against any candidate or any political party within the polling place and within a radius of thirty meters thereof,” ani Cruz-Angeles.

“Sa madaling sabi, nangyayari lang yan on the day of registration or on the day of elections.

“Anong day na po ngayon?

Wala diumanong ebidensiya ang mga kritiko na si Inday Sara mismo ang may pakana ng mga tarpaulin.

“Eto pa… si Sara ba ang nagpapalabas sa mga tao na hikayatin syang tumakbo? Gurl… wala kang ebidensya dyan. As far as we can see, ang “Run Sara Run” ay hikayat ng mga tao na tumakbo siya.

Umabot ng libo libong reaksyon ang paliwanag ni Trixie-Cruz

Facebook Comments