Home Celebrities “Solid North and South?” Bongbong Marcos, hindi kakalabanin o tatapatan si Mayor Inday Sara sa susunod na taon

“Solid North and South?” Bongbong Marcos, hindi kakalabanin o tatapatan si Mayor Inday Sara sa susunod na taon

0

Mariing itinanggi ng kampo ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi niya kakalabin si Davao City Mayor Inday Sara Duterte kung tatakbo man sila sa parehong posisyon sa 2022.

Sa isang press conference, inihayag ng abogado ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez na malabong mangyari na maging magkatunggali sa politika ang dalawa dahil sa kilalang malapit ang kanilang mga pamilya.

“It will not reach that point as the family of both Sara and Bongbong are tightly knit,” ani Rodriguez.

Kilalang malapit ang pamilya Marcos, Duterte at kahit ngayon ay suportado parin ng pamilya ang kasalukuyang administrasyon.

Hindi naman malaman kung magpapa-ubaya nga ba si Marcos kung tatakbo man si Inday Sara bilang Pangulo ng Pilipinas.

May mga balita kasi na nagbabalak tumakbo ang dating Senador sa pinakamataas na posisyon at harapin ang posibleng manok ng oposisyon at mahigpit niyang karibal sa politika na si Vice President Leni Robredo.

Mayroon namang mga netizens ang itinutulak ang tambalang Duterte at Marcos, ngunit hindi pa ito nakukumpirma dahil sa hindi pa nga sigurado ang alkalde ng Davao kung susundan niya na nga ba ang yapak ng kanyang ama.

Ilang beses ng itinanggi ni Inday Sara na nagbabalak siyang tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

Ngunit ito rin naman ang sinabi ng kanyang ama noong kinukumbinsi siya na maging Pangulo, pero sa huli ay tumakbo parin ito at nanalo noong 2016.

 

Facebook Comments