Home Celebrities Komedyanteng si Kitkat may pasaring mapabalitang mura-murahin ng singer na si Janno Gibbs sa kanilang noontime show

Komedyanteng si Kitkat may pasaring mapabalitang mura-murahin ng singer na si Janno Gibbs sa kanilang noontime show

0

Tila may pasaring ang komedyante na si Kitkat sa kanyang Instagram matapos mapabalita na siya ay minura mura ng co-host niya at singer na si Janno Gibbs sa kanilang noontime show sa NET25.

Matatandaan na ibinalita ng Bandera ang diumano’y alitan sa pagitan ni Kitkat at Janno na nag ugat diumano sa pagkapikon ng singer sa isang gameshow.

Napaiyak na lamang daw si Kitkat noon at walang nagawa sa pinagsasabi sa kanya ni Janno na dati naring host ng Eat Bulaga.

“Ang dating po sa amin ay napikon po si Janno kasi naunahan siyang makuha ‘yung scarf ng team ni Marco sa Kantanungan na game. Tapos nagalit na kung ano-ano na sinabi. Si Marco po ang kalaban niya, si Kitkat po siya ‘yung nagho-host,” kwento ng isa sa mga nakasaksi ng insidente.

“Sabi ni Janno na kinakampihan ni Kitkat sina Marco at team niya. Tapos kapag may sinasabi na si Kitkat, pinapahiya na ni Janno, binabara ganu’n. Nakita po namin naiiyak na si Kitkat. Rehearsal pa lang ‘yun nang umalis na si Janno. Hindi na bumalik.” dagdag pa niya.

Nagpaulan ng mga quotes si Kitkat tungkol sa mga taong diumano’y nagpapanggap na sila ang biktima.

Mula sa Instagram ni @favkitkat
Mula sa Instagram ni @favkitkat

Tila nagbigay din ng clue si Kitkat sa kanyang balak na pagsasampa ng reklamo laban kay Janno.

“Pwede nga palang idemanda,” ani Kitkat na ipinakita pa ang ibig sabihin ng “unjust vexation”.

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag si Janno sa mga paratang sa kanya.

 

Facebook Comments