Home Celebrities Janno Gibbs, sasampahan ng reklamo ni Kitkat matapos paulanan ng singer ng mura ang kanyang co-host sa taping

Janno Gibbs, sasampahan ng reklamo ni Kitkat matapos paulanan ng singer ng mura ang kanyang co-host sa taping

0

Planong magsampa ng reklamo ng komedyante na so Soraya Ray Bañas o mas kilala bilang Kitkat laban sa sikat na singer at host na si Janno Gibbs.

Ayon sa Bandera, nangyari ang insidente sa taping ng noontime show nila Kitkat at Janno na ‘Happy Time’ na ipinapalabas sa Net 25.

May mga saksi diumano na nakakita sa insidente, pero akala daw nila ay nagpa-prank lang si Janno na isa ring kilalang komedyante.

Pero nalaman nila na seryoso pala si Janno ng makita nila si Kitkat na umiiyak at pilit ngumingiti sa kanyang mga ka-trabaho.

Ayon sa sa isa mga nakasaksi ay tila hindi na daw nagustuhan ni Janno na dating host din ng noontime show na Eat Bulaga ang mga nangyayari sa taping kaya’t hindi nito napigilan na ilabas ang kanyang init ng ulo.

“Ang dating po sa amin ay napikon po si Janno kasi naunahan siyang makuha ‘yung scarf ng team ni Marco sa Kantanungan na game. Tapos nagalit na kung ano-ano na sinabi. Si Marco po ang kalaban niya, si Kitkat po siya ‘yung nagho-host,” ani ng saksi na nakapanayam ng Bandera.

“Sabi ni Janno na kinakampihan ni Kitkat sina Marco at team niya. Tapos kapag may sinasabi na si Kitkat, pinapahiya na ni Janno, binabara ganu’n. Nakita po namin naiiyak na si Kitkat. Rehearsal pa lang ‘yun nang umalis na si Janno. Hindi na bumalik.

“Si Kitkat mag-isang nag host, wala na siya kasama. Nu’ng umalis si Janno, doon lang nakita ni Marco totoo pala niyakap niya si Kitkat may sinasabi si Kitkat kay Marco hindi namin narinig. Grabe pala si Janno, napatol sa babae, minumura babae.

Kinumpirma naman ng pahayagan na nagpa-plano na ang kampo ni Kitkat na magsampa ng reklamo laban kay Janno.

Matindi daw kasi ang nararanasang kalungkutan ngayon ni Kitkat lalo na’t nawalan siya ng mahal sa buhay kaya’t hindi niya palalampasin ang ginawa ni Janno sa kanya.

Hindi pa malaman kung ano ang ikakaso ni Kitkat laban kay Janno.

Hanggang ngayon ay wala pang pahayag ang kampo ng singer sa mga akusasyon laban sa kanya ng kanyang sariling co-host.

 

 

 

Facebook Comments