Home Celebrities Raffy Tulfo, di makapaniwala matapos makakuha ang RTIA ng bokyang rating sa AGB Nielsen: “Mahiya naman kayo!”

Raffy Tulfo, di makapaniwala matapos makakuha ang RTIA ng bokyang rating sa AGB Nielsen: “Mahiya naman kayo!”

0

Dismayadong dismayado ang kilalang mamamahayag na si Raffy Tulfo matapos makakuha ng bokya o zero percent rating ang kanyang palabas na Raffy Tulfo in Action (RTIA) mula sa isang market research firm.

Binanatan ni Tulfo ang AGB Nielsen Media Research Philippines na isa sa mga kilalang naglalabas ng ratings ng mga television shows sa bansa.

Hindi diumano makapaniwala ang mamamahayag na makakakuha ng bokyang rating ang RTIA dahil sa marami naman ang nanonood nito lalo na sa social media.

Ayon kay Tulfo ay hindi naman siya papalag kung wala siyang nakikitang mali sa inilabas na rating ng Nielsen.

“Hindi naman ako magrereklamo kung wala akong basehan. Ang pagbabasehan ko po, 50,000 – 100,000 live views,”  ani Tulfo.

“25,000 views on a regular day at kung titingan mo po yung ibang shows, di nakakaabot ng ganoon karami and yet, insignificant zero kami? Di ba nakakapagtaka? So, may dahilan ako,” dagdag niya pa.

Hindi nakapag pigil si Tulfo na banatan ang nasabing kumpanya at nangako ito na hindi niya titigilan ang Nielsen hangga’t hindi nila itinatama ang kanilang rating.

“Kung ako nga takbuhan ng mga niloloko, tapos ang show ko lolokohin? Hindi ko kayo tatantanan. AGB Nielsen, mahiya naman kayo. Alam na this,” banta ni Tulfo.

Hindi pa naglalabas ng pahayag ang Nielsen.

Ang RTIA ang maituturing na isa sa mga pinakasikat na online shows sa Pilipinas. Ang nasabing show din ang pinaka popular na Youtube channel sa Pilipinas ayon sa website na statista.

Screenshot mula sa Statista

Dahil sa kasikatan ni Tulfo ay nabalita pa nga ito na kumikita ng bilyon bilyong piso ngunit itinanggi ito ng mamamahayag.

 

Facebook Comments