Home Social Media Isang panaderya sa Maguindanao, inilalaan ang panahon para mamigay ng 2,000 na tinapay araw araw ng libre

Isang panaderya sa Maguindanao, inilalaan ang panahon para mamigay ng 2,000 na tinapay araw araw ng libre

0

Isang panaderya sa Maguindanao ang hinahangaan ngayon ng mga netizens dahil sa kanilang adhikain na makapagbigay ng libo libong libreng tinapay sa kanilang kapwa.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Brother Khalid Sanchez na siyang may ari ng bakery ang kanilang ginagawa sa pang araw araw para makatulong sa tao.

Ayon sa kanya ay itinatag niya ang panaderya na pinangalanan niyang “Charity Bakeshop” upang makapagbigay ng 2,000 tinapay araw araw sa mga residente.

“Giving is my passion po. Nakakaramdam po ako ng kakaibang kaligayahan kapag makapagbahagi ng pagkain sa mga tao,” ani Bro. Sanchez.

Prayoridad ni Bro. Sanchez at kanyang mga kasama na hindi hayaang magutom ang mga tao sa kanilang lugar.

Hindi naman daw sila nalulugi sa kanilang ginagawa dahil sa mayroon naman siyang mga ibang negosyo at may mga donasyon din siyang natatanggap sa mga tao.

“Naniniwala po ako na hindi nakaka-pobre ang pamamahagi sa kapwa. Bibliya at Quran po ang nagpapatunay niyan na hindi ako maging mahirap dahil sa pamimigay,” saad niya.

Sa darating na Ramadan ay inaasahan nila na makakapagbigay sila ng 10,000 hanggang 20,000 na tinapay sa mga mamamayan ng Sultan Kudarat.

Naireport na sa iba’t ibang media outlet ang kabutihang ipinakita ni Bro. Sanchez sa kanyang mga kababayan.

 

Facebook Comments