Home Netizen's Voice “Kahit wala ngang pang gatas ang anak” Lalaki, huli matapos maghanap ng hotel para sana sa kanila ng kanyang number two

“Kahit wala ngang pang gatas ang anak” Lalaki, huli matapos maghanap ng hotel para sana sa kanila ng kanyang number two

0

Isang lalaki ngayon ang binabatikos sa social media dahil sa nahuli itong naghahanap ng hotel na matutuluyan para sa Valentines Day, hindi para sa kanila ng misis niya, kundi para diumano sa ibang babae.

Sa isang Facebook post, hindi naitago ni Jhayzell Flores Banaag ang kanyang pagkadismaya matapos niyang mahuli sa akto ang mister niya na si Raffy sa isang group kung saan ay nagtanong ito kung magkano ang 3 oras na pahinga sa isang sikat na hotel sa Cubao, Quezon City.

Kwento ni Jhayzell ay noong Pebrero 14, araw pa naman ng mga puso ay hindi man lang namalagi si Raffy sa kanilang tahanan at nag iwan lang ito ng singkwenta pesos sa kanyang pamilya.

Nalaman nalang ng netizen na nakipagkita si Raffy sa kanya daw kalaguyo na si “Jessie” sa isang hotel.

“Grabe ka casay Raffy hndi mo manlang talaga inisip mga anak mo nakuha mo pa talagang makipagkita sa babae mo. Iniwan mo kami kanina 50php lng kase sabi mo wala kanang pera sa Friday kana lang magbibigay tapos ngaun makikita ko kasama mo babae mo bumili ka pa ng 4pcs na bulaklak samantalang anak mo hndi mo manlang mabilihan ng gatas. Sasabihin mo lng sakin na paki alam ko sau?” ani Jhayzell.

Katwiran naman ni Raffy, hiwalay nanaman daw sila ng netizen, pero si Jhayzell, inamin na siya ay nagdadalang tao.

Kinasama pa ng loob ni Jhayzell na tila mas pinili na ni Raffy ang anak ng kanyang kalaguyo kaysa sa sarili niyang kadugo.

“Mas tanggap mo anak nya kesa sa mga sarili mong anak? Grabe ka puro ka lang pa sarap hndi mo nga kayang sustentuhan anak mo ganyan p gagawin mo samin iiwan kung kailan na buntis mo? 50php lng iiwan mo ano mabibili ko dun?” sabi ni Jhayzell.

Sinubukan din na tanungin ni Jhayzell si Jessie tungkol kay Raffy ngunit tila hindi naging maganda ang kanilang pag uusap.

Lumala pa ang sitwasyon ng aminin ni Jessie na siya ay nagdadalang tao din at ipinagpipilitan nito na si Raffy ang ama ng kanyang dinadala.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag sa ngayon si Raffy na sumikat na ngayon sa social media dahil sa kanyang ginawa sa kanyang pamilya.

Facebook Comments