Home Celebrities Dating best actor at kilalang side kick noon ni FPJ at Dolphy, natutulog na lamang daw sa malamok at sira-sirang garahe: “Ayoko ng humaba pa ang buhay ko”

Dating best actor at kilalang side kick noon ni FPJ at Dolphy, natutulog na lamang daw sa malamok at sira-sirang garahe: “Ayoko ng humaba pa ang buhay ko”

0

Siguro ay kaunti na lamang ang makakatanda sa sikat na sidekick noon na si Hernando “Boy” Alano na ngayo’y kinaawaan ng mga netizens dahil sa hindi magandang nangyari sa kanyang buhay.

Isang magaling na aktor noon si Alano na naging Best Child Actor pa noong 5th Asian Filmfest noong 1958 sa pelikulang “The Day of the Trumpet”.

Nakasama niya pa ang mga kilalang artista na sila Fernando Poe Jr, Dolphy, Eddie Guitierrez, Nora Aunor, Susan Roces atbp.

Naging assistant director din ito ng ilang pelikula.

Ngunit sa kasamaang palad ay tila hindi naging maganda ang pagre-retiro ni Alano dahil sa wala itong naipundar na tirahan at ari-arian at tanging sa garahe lamang ito natutulog.

Isa si Alano sa mga halimbawa na hindi lahat ng nakatapak sa showbusiness ay nagiging marangya ang buhay hanggang sa kanilang pagre-retiro.

Sa isang programa noon ng ABS-CBN ay naikwento ni Alano ang pang araw araw niyang ginagawa ngayon sa buhay.

Ayon sa kanya ay umaasa na lamang siya sa pagkain na ibinibigay ng kanyang mga kaibigan.

Nag desisyon din itong iwan ang kanyang pamilya dahil ayaw niyang maging pabigat.

Sa edad na pitumpu’t pito noon ay sinabi niya na gusto niya na lamang mamaalam sa mundong ito.

“Ayoko nang humaba pa buhay ko, gusto ko nang manahimik. Tuwing umaga sinasabi ko Lord, handa na po akong kunin Ninyo. Ayoko na ang takbo ng buhay ko,” ani Alano.

Ngunit binigyan ng nasabing programa ng bagong pag asa ang dating aktor sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta sa kanya.

Nakarating din kay Superstar Nora Aunor ang nangyari kay Alano kaya naman humingi ang aktres ng tulong kay FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra upang matulungan ang dating aktor.

Naging mag kasama sa pelikula si Aunor at Alano.

Boy Alano, kasama si Nora Aunor at Susan Roces sa pelikulang Ang Pangarap Koy Ikaw noong 1967

Todo paslamat naman si Alano sa mga tulong na kanyang natanggap at tila nakahanap ito ng bagong dahilan upang ipagpatuloy ang buhay.

“Ang masasabi ko, napakamatulungin nila at nagpapasalamat ako na maski ganito ako, natulu­ngan nila ako. Hindi ko sukat akalain na mahal niyo din pala ako kaya tinutulungan niyo ako ng ganito. Siguro kung hindi dahil sa inyo, hindi ako magbabago,” sabi niya.

 

Facebook Comments