Home Celebrities Ogie Diaz, dinepensahan si Angel Locsin sa mga kumukutya sa kanyang paglobo: “Sa inyo ba kumukuha ng pang kakain ‘tong si Angel?”

Ogie Diaz, dinepensahan si Angel Locsin sa mga kumukutya sa kanyang paglobo: “Sa inyo ba kumukuha ng pang kakain ‘tong si Angel?”

0

Dinepensahan ni Ogie Diaz ang aktres ni Angel Locsin sa mga netizens na lumalait sa malaking pinagbago ng katawan nito.

Sa kanyang vlog, sinabi ni Ogie na siya ay kumpiyansa na hindi na maapektuhan si Angel ng mga sinasabi sa kanya ng kanyang mga kritiko dahil sa lawak ng karanasan nito sa showbusiness.

“Feeling ko, alam mo hindi na nasasaktan sa mga ganyang paninira o ganyang panlilibak si Angel Locsin. Kumbaga sa tagal niya dito sa industriya, hindi na para iyakan pa yan ni Angel. Pinanday na yan ng panahon sa mga intriga sa kanya,” ani Ogie.

Ipinaliwanag din nito na kasalukuyang kalagayan ni Angel na naging dahilan ng pagdagdag nito ng timbang.

“Alam mo hindi alam ng iba yung hirap ni Angel. Kasi meron siyang ano diba, parang may lower back problem siya na pinunta niya pa yan sa Singapore pero parang balewala din.” saad ni Ogie.

Mensahe ni Ogie sa mga kritiko ni Angel ay subukan na lamang nilang i “edit” ang katawan ng aktres kung hindi nila nagugustuhan ang kasalukuyang anyo nito.

“Ang importante buhay si Angel, masaya si Angel, nakakatulong si Angel sa mga nangangailangan. At ang tanong ko sa mga bashers na ito, kung ‘yun ang mga nagagawa ni Angel sa buhay niya ngayon na alam na alam natin, ikaw anong ambag mo?” banat ni Ogie.

Sa isang panayam noon ay ipinaliwanag ni Locsin kung bakit nadadagdagan ang kanyang timbang.

“Noong bumalik ako ng workout, umiyak ako, eh. Naramdaman ko ‘yung mga hindi ko na puwedeng gawin. Dati kasi feeling mo superhero ka talaga, kaya mong gawin lahat,” paliwanag niya.

“Kailangan mong harapin na iba na. Hangga’t hindi mo natatanggap ‘yon, hindi ka mag-mo-move forward kasi, eh,” dagdag pa niya.

Nakadagdag pa sa timbang niya ang gamot na kanyang iniinom bilang maintenance.

Facebook Comments