Home Social Media Mag asawang mangangalakal, kasunod naman na nakatanggap ng makeover mula kay Richard Strandz

Mag asawang mangangalakal, kasunod naman na nakatanggap ng makeover mula kay Richard Strandz

0

May bago nanamang natulungan ang kilalang blogger at stylist na si Richard Strandz.

Sa kanyang bagong proyekto ay tinulungan ni Richard ang isang mag asawa na sina Rosalyn Ferrer at Rommel Basco na 24 years ng nagsasama.

Walang permanenteng tirahan ang mag asawa at umaasa lamang ito sa pangangalakal at pagtitinda ng mais.

Nag resulta ang kanilang pagmamahal sa anim na supling.

Hindi pa ito kasal kaya’t naisipan ni Richard na bigyan ito ng make over at libreng prenup photoshoot na pinamagantang “sa hirap at ginhawa”.

Ipinakita sa proyekto na pinangunahan ng PEABOHDAVID Photography and Design ang tila pang araw araw na pamumuhay ni Rommel at Rosalyn, ngunit sa pagkakataon na ito ay naka soot sila ng wedding dress.

Ayon sa coordinator ng nasabing proyekto na si Hersh Mayrina ay wala daw bahid ng pagsisisi ang mag asawa kahit na hindi sila pinalad na magkaroon ng magandang buhay.

“Si Rommel at Rosalyn, walang bahid na pagsisi sa buhay. Hindi sila pinalad sa buhay na meron tayo pero patuloy sa pakikipaglaban sa hirap ng buhay. Gagawin ang lahat may maihain lang sa lamesa para sa pamilya. Hindi mahihiyang halukayin ang basura at magkasakit basta ang mahalaga sa kanila ay buhayin ang pamilya ng tama at mgsipag, mgpakapagod kahit sa konting kita,” ani Hersh.

Matatandaan na si Richard din ang nag make-over at kumupkop sa basurero na si Dennis Pascual na ngayo’y parte na ng Youtube Channel ng stylist.


Sa ngayon ay unti unti ng sumisikat si Richard sa social media dahil sa magaganda niyang content.

Mayroon ng mahigit 20,000 na followers ang stylist sa Youtube.

Facebook Comments