Home Celebrities Isang religious leader ng Islam, ipinaliwanag kung bakit patatawarin niya ang babaeng sumayaw ng Tiktok sa loob ng Mosque

Isang religious leader ng Islam, ipinaliwanag kung bakit patatawarin niya ang babaeng sumayaw ng Tiktok sa loob ng Mosque

0

Isang ‘Imam’ o religious leader sa relihiyong Islam ang sinabing kung siya lamang ang masusunod ay patatawarin niya nalang ang Overseas Filipino Worker (OFW) na nahuling sumasayaw ng Tiktok sa loob ng isang Mosque sa Saudi Arabia.

Sa kanyang viral video, ginawang paksa ni Ustadh Ahmad Javier ang nangyari sa OFW na itago nalang natin sa pangalang “JM” na ngayo’y nahaharap sa deportation dahil sa ginawa nito sa bahay dasalan ng mga Muslim sa Al-Khobar.

Itinanong sa kanya ng isa sa kanyang mga followers kung ano nga ba ang nararapat na parusa sa nasabing OFW.

Ipinaliwanag naman ni Javier na kung siya lamang ang hahatol sa OFW ay bibigyan niya nalang ito ng ikalawang pagkakataon.

“Malaki ang posibilidad na ito ay palagpasin ko,” ani Javier.

Ayon sa kanya ay ang mga pambabatikos na ginagawa ng mga Muslim kay JM ay maging dahilan pa para magkaroon ng takot ang nasabing OFW sa mga tagasunod ng Islam.

Ginawa niyang halimbawa ang istorya ng isang Arabi na umihi naman sa loob ng bahay sambahan.

Kwento niya ay pinatawad ang nasabing lalake dahil hindi naman nito alam na nasa loob pala siya ng bahay dasalan.

Punto niya ay unang beses nakapunta ng nasabing indibidwal sa siyudad at ito’y naninirahan lamang sa disyerto kaya’t wala itong alam sa mga dapat iasal.

“Tandaan natin maaring hindi nila kasalanan ‘yon tignan, ‘yung mga nagsasayaw diyan, ‘yung mga nagti-tiktok diyan,” saad niya.

Naniniwala siya na dapat ipaalam nalang kay JM na hindi tama ang kanyang ginawa sa loob ng Mosque, imbis na batikusin ito.

“Kung lahat ng ka-musliman ay nag react dito, sa tingin niyo lalapit pa ba sa Islam, baka makakita na ng muslim ‘yon kakaripas na ‘yon,” ani Javier.

“Mas mainam na magturo kaysa sa bumatikos,” dagdag niya pa.

Umabot ng mahigit ng 100,000 reactions ang video ni Javier.

Maalala na humingi na ng tawad ang nasabing OFW at sinabing hindi niya naman alam na masama pala ang mag sayaw sa loob ng Mosque.

Humingi siya ng isa pang pagkakataon upang makapagtrabaho muli sa Saudi.

“Hindi ko po sinasadya, bigyan niyo po ako ng pagkakataon, ako nalang po inaasahan ng pamilya ko,” ani JM.

Facebook Comments