Home Celebrities Frankie Pangilinan at Netizens humanga kay Sharon Cuneta dahil sa malaking pinagbago ng kanyang katawan

Frankie Pangilinan at Netizens humanga kay Sharon Cuneta dahil sa malaking pinagbago ng kanyang katawan

0

Pinuri ng mga netizens ang megastar na si Sharon Cuneta dahil sa malaking pagbabago sa kanyang katawan.

Sa kanyang Instagram page ay ipinakita ni Sharon ang kanyang fit body sa mga followers habang hawak hawak ang kanyang kape.

“Just got home from work. Thank You, Lord for a wonderful taping day!” saad ni Sharon.

Kahit ang kanyang anak na si Frankie Pangilinan ay hindi napigilan na i-cheer ang kanyang ina.

“GO QUEEN HAVE YOUR COFFEE,” ani Frankie

“PLEASE THIS IS THE CUTEST THING IVE EVER SEEN IN MY LIFE,” sabi niya pa sa isa pang comment.

“You look great!” sabi ni Pops Fernandez.

Madami pang kasamahan si Sharon sa showbusiness na pinuri siya at napa wow sa kanyang transformation.

Matatandaan na naging isyu noon ang paglobo ni Sharon.

Noong 2014 ay inamin niya na siya ay nagkaroon ng problema ngunit bumiti na ang kanyang kalagayan.

Dahil dito ay binalak niya na magbawas ng timbang.

“I was not always big, so I guess it’s okay to say that I would like to go back to how I was before, at least size-wise. BUT, I know now that there are other things that I can still do, in spite of, or maybe even because of my present weight and appearance!” ani Sharon sa isang panayam.

Makalipas naman ng ilang taon ay nagtagumpay si Sharon sa kanyang pagbabawas ng timbang.

 

Facebook Comments