Home Social Media Pamilya Gregorio, tatangapin ang 70-M mula kay Nuezca ngunit hindi parin nila ito palalayain: “Gusto ko mapagdushan niya”

Pamilya Gregorio, tatangapin ang 70-M mula kay Nuezca ngunit hindi parin nila ito palalayain: “Gusto ko mapagdushan niya”

0

Hanggang ngayon ay hindi parin malilimutan ng mga tao ang nangyari sa isang mag-ina sa Tarlac na naging biktima ng isang pulis na nakikipagtalo sa kanila.

Noong Disyembre 20 ng nakaraang taon ay binawian ng buhay sina Sonya at Frank Gregorio matapos mapikon ang pulis na kanilang kaalitan na si Jonel Nuezca.

Sa ngayon ay pinagdudusahan na ni Nuezca ang kanyang ginawa at nagkaroon pa ito ng panibagong problema dahil sa hinihinging 70-M pesos na danyos ng pamilya ng biktima.

Sa isang panayam sa radyo ay sinabi ni Frank Gregorio na siyang asawa ni Sonya at ama ni Frank na tatangapin nila ang 70-M na ibabayad sa kanila ni Nuezca, ngunit hindi parin nila ito mapapatawad.

Hindi rin sila papayag na makalaya si Nuezca kahit na magbayad ito ng milyon milyong piso sa kanila.

“Hindi po ako papayag, gusto ko po talagang mapagdusahan niya ‘yon,” ani Mr. Gregorio na sinabi din na hindi sapat ang 70-M para mapalitan ang buhay ng kanyang asawa at anak.

Ayon sa kanila ay gumamit lamang ng Zoom si Nuezca upang maka-attend sa mga pagdinig sa kasong kinakaharap niya.

Hiniling rin nila sa korte na pabilisin ang paglilitis kay Nuezca upang mabigyan kagad ng hustisya ang nangyari sa mag inang Gregorio.

Hindi naman nagbigay ang kampo ni Nuezca ng pahayag na noon ay humingi pa ng tulong sa kanyang mga kasamahan sa PNP para tulungan ang kanyang anak.

Matatandaan na pati ang kanyang anak ay nakisali sa pakikipag alitan sa mga Gregorio.

Wala namang balita kung ano na nga ba ang nangyari sa pamilya ni Nuezca ngayong wala ng maghahanapbuhay para sa kanila.

Facebook Comments