Home Social Media Bata, natutulog na lamang sa banyo matapos siyang gawan ng masama: “Ultimo galaw ng kurtina dahil sa hangin kinagugulat niya!”

Bata, natutulog na lamang sa banyo matapos siyang gawan ng masama: “Ultimo galaw ng kurtina dahil sa hangin kinagugulat niya!”

0

Isang bata ngayon ang nakakaranas ng sobra sobrang takot dahil sa diumano’y ginawa sa kanya ng hindi pa pinapangalanan na suspek na kanilang kapitbahay.

Sa post ni Aldrich Laberinto ay ipinakita niya ang kasalukuyang lagay ng kanyang anak matapos ang masamang karanasan nito.

Makikita sa mga litrato na natutulog nalang sa banyo ang bata dahil sa ayaw na nitong lumabas dahil daw sa baka makita niya ang “masasamang tao” na gumawa sa kanya ng kalaswaan.

Hindi man pinangalanan ni Aldrich ang suspek ay sinabi naman nito na mayroon na itong sariling pamilya.

Tila nagmamatapang pa ang pamilya ng suspek dahil nagbanta ito na magsasampa sila ng kaso kila Aldrich kung sakaling makapag piyansa sila.

“San ka kumukuha ng kakapalan ng pagmumukha o sadyang boba ka LANG para sabihin samen na kung hindi namin iuurong ang kaso eh pagka piyansa nyo kame ang kakasuhan nyo,” ani Aldrich.

Ikinuwento pa ni Aldrich ang malaking pagbabago sa kanyang anak matapos ang insidente.

“Hindi mo alam ang pinagdadaanan nmin lalo na ang anak ko everytime na mag ccr sya ayaw nya ng lumabas sa loob at doon na nya gusto matulog dahil my bad person daw sa labas, na ultimo galaw ng kurtina dahil sa hangin kinagugulat nya na kahit mabasa short nya sa ihi hindi sya magpapa-assist samen dahil ayaw nyang makita ng iba kahit kame ang kanyang private part (TINANGGAL NYO ANG PAGIGING INOSENTE NG ANAK KO) na kailangan pa syang resetahan ng psychiatrist ng pangpakalma para lang maging maayos ang kanyang tulog,”

“Hindi nyo alam ang trauma na inabot nmin lalo ng anak ko ng habulin ng itak at laruin ang maselang bahagi ng katawan nya at gawing katatawan sa iba,” dagdag niya pa.

 

Sa isang post pa ay sinabi ni Aldrich na sinubukan nilang kausapin ang suspek ngunit hinabol sila ng itak nito kaya’t nag desisyon ito na humingi na ng tulong sa mga otoridad.

Nangako si Aldrich na hindi nila iaatras ang kaso sa suspek.

Sinusubukan pa naming hingan ng pahayag si Aldrich para sa karagdagang detalye.

 

Facebook Comments