Home Celebrities Basurero na artistahin na ngayon, ipinagdiwang ang valentines at kasikatan kasama ang taong nag make-over sa kanya

Basurero na artistahin na ngayon, ipinagdiwang ang valentines at kasikatan kasama ang taong nag make-over sa kanya

0

Malaki laki narin ang ipinagbago sa buhay ng dating basurero na si Dennis Pascual matapos siyang tulungan at i-make over ng isang kilalang stylist sa Pampanga na si Richard Strandz.

Umaabot na rin ng libo libo ang views ng mga content ni Richard kung saan ay lagi niya na ring kasama si Dennis.

Ngayon ay hindi na tumitira sa lansangan si Dennis matapos itong kupkupin ni Richard, nagta-trabaho na rin ito sa shop ng stylist.

Tumatanggap narin ito ng mga endorsements sa iba’t ibang mga produkto.

Sa isang video, ipinagdiwang ni Dennis at Richard ang biglaang pagdami ng kanilang subscriber sa Youtube na umabot na ngayon ng 18,000.

Makikita sa video na hindi nila nakalimutan na magpasalamat sa mga tao at namigay din sila ng pagkain sa kanilang mga kapitbahay.

Kitang kita din na malapit na malapit na sa isa’t isa si Richard at Dennis.

Ipinakita rin ni Richard ang buhay ng ilang mangangalakal sa kanilang lugar.

Ikinuwento naman ni Dennis ang iba pang detalye sa kanyang buhay bilang isang basurero na gumigising ng maaga upang makahanap ng kanilang mga ibebenta.

Sinabi naman ni Richard na hindi niya humangad na yumaman.

“Hindi ko hangad na yumaman ang pangarap ko lang talaga ay maging masaya, tumulong, sumaya yung mga nasa paligid ko, yung mga alaga ko maging successful at syempre sana si kuya Dennis ay maging successful siya,” ani Richard.

 

“Sana ay magkaroon ka ng sariling pamilya at lagi kaming naka suporta sa’yo kung ano man ang maging desisyon mo sa buhay,” dagdag niya pa.

Facebook Comments