Home Celebrities Arnold Clavio at ilan pang kilalang personalidad, may reaksyon sa isang kritiko ni Leni na may kakainin daw kapag nanalo sa recount ang VP

Arnold Clavio at ilan pang kilalang personalidad, may reaksyon sa isang kritiko ni Leni na may kakainin daw kapag nanalo sa recount ang VP

0

Beteranong mamamahayag na si Arnold Clavio at ilan pang personalidad, may reaksyon sa isang kritiko ni Vice President Leni Robredo na mayroon daw kakainin na hindi normal kung manalo ito sa recount laban kay dating Senador Bongbong Marcos.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Clavio ang isang screenshot mula kay Gregory Paulo Llamoso kung saan ay binanggit nito ang kanyang pangako.

“Pag nanalo si Leni Robredo sa recount, kakain talaga ako ng ***!!” ani Llamoso.

Ilan sa mga nagbigay ng reaksyon ay ang mga kilalang personalidad katulad ni Connie Sison, Carla Abellana, Janno Gibbs at Lyn Ching-Pascual.

“Asan na kaya siya ngayon?” ani Sison.

“Yehey! Let’s Go” comment ni Abellana.

“A man of his word? Sige nga do it,” hamon ni Ching.

Hindi naman itinanggi ni Gregory na sinabi niya nga ang nasabing pangako, ngunit ipinaliwanag niya na ito ay isang ‘hyberbole’ lamang.

“Huwag mong bigyan ng pansin yung mga may ayaw sayo dahil wala naman silang bilang sa buhay mo… ikaw ang may bilang sa mga buhay nila. You don’t have to engage with negative people. Ignore the noise people who try to destroy your peace,” ani Llamoso na binabantayan ngayon ng mga netizens kung gagawin niya ba ang kanyang pangako.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AkosiiGan😎 (@akosiigan)

Matatandaan na ibinasura ng korte suprema ang poll protest ni Marcos laban kay Robredo nito lamang Pebrero 6.

“Today 16 February 2021, the Supreme Court sitting as the Presidential Electoral Tribunal unanimously dismissed the electoral protest filed by former senator Bongbong Marcos, Jr. against Vice President Leni Robredo,” ani SC Spokesperson Keith Hosaka.

“Out of the 15 members of the Tribunal who were present in today’s meeting, 7 members fully concurred in the dismissal while 8 concurred in the result,” dagdag niya pa.

Facebook Comments