Home Social Media “My way” Huling recording ni Brother Eli Soriano bago pumanaw, inilabas sa publiko

“My way” Huling recording ni Brother Eli Soriano bago pumanaw, inilabas sa publiko

0

“This footage is not for the faint of heart”

Eto ang babala na inilagay ng uploader ng video kung saan ay makikita ang huling recording ng pinuno ng Members Church of God International (MGCI) at host ng Ang Dating Daan na si Brother Eliseo Soriano.

Sa video na ibinahagi ng “Songs and Spirits” ay makikita si Brother Eli kung saan ay kinakanta nito ang kantang “My Way” na orihinal na awitin ni Frank Sinatra.

Inilabas ang nasabing video ilang araw lamang bago mamaalam si Brother Eli sa mundong ito dahil sa hindi pa malaman na kadahilanan.

Ayon sa video ay kumuha ng voice lessons ang televangelist upang mapabuti ang lagay ng kanyang boses.

Ibinunyag din ng nasabing uploader na mayroong asthma si Brother Eli.

“At 73, Brother Eli decided to take voice lessons to improve his singing and breathing techniques to help him against his asthma,” saad ng uploader.

“With just a few lessons, his voice started to progress and his breathing improve dramatically,” dagdag niya pa.

Na-record daw ang nasabing video sa huling voice lessons niya bago siya pumanaw.

“After six fruitful decades of painstaking and courageous preaching the gospel of Christ, God finally allowed Brother Eli to get a well-deserve rest,” sabi ng uploader sa huling bahagi ng video.

Naging tanyag si Brother Eli sa kanyang mga aral tungkol sa video at sa pakikipagdebate nito sa iba’t ibang grupo.

Inulan naman ang social media ng mensahe ng pakikiramay kay Brother Eli mula sa kanyang mga taga suporta at pati narin sa kanyang mga kritiko.

Facebook Comments