Home Social Media Lola parang basang sisiw matapos buhusan ng tira-tirang pagkain ng kanyang sariling anak

Lola parang basang sisiw matapos buhusan ng tira-tirang pagkain ng kanyang sariling anak

0

Isang lola ang nag viral sa social media dahil sa kaawa awang ginawa sa kanya ng sarili pa namang niyang anak.

Isinumbong ni netizen Willie Damasco sa social media ang ginawa sa isang 85-anyos na lola na sinabuyan ng tira-tirang pagkain ng kanyang sariling anak matapos ang isang pagtatalo.

Sinabi pa ni Damasco na walang nagawa ang lola kundi ang umalis sa kanilang tirahan matapos itong palayasin din.

Hindi naman nalaman ang dahilan kung bakit ito nangyari kay lola ngunit sa post ni Damasco ay tila matigas na daw ang ulo ng matanda kaya’t hindi na ito natiis ng kanyang anak.

Normal lamang ang pagbabago ng ugali ng isang tao lalo na kapag ito’y tumatanda na.

Hindi napigilan ni Damasco ang maging emosyonal habang ikinukwento ang kanyang pangigigil sa anak ng nasabing lola na ayon sa kanya ay dapat ginagalang kahit ano pa man ang mangyari.

“Guys pls help natin si nanay na mapansin si sir TULFO bakit kaya sya binuhusan Ng tira tirang pagkain ang SARILI NYANG nanay,pls help tag natin Kay sir raffy, kahit po kasalanan pa Ng mga magulang natin Hindi parin po dahilan para ganituhin natin Ang nanay natin”

“HINDI MO ALAM PAKIRAMDAM NANG HINDI KASAMA MAGULANG, WALANG KWENTANG ANAK KA KUNG SINO KA MAN.”

“Minsan ang mga magulang natin pag tumatanda na tumitigas talaga ang ulo nila, pero sana kahit gaano pa sila kakulit o katigas ang ulo matuto pa din tayong magpasensiya at rumespeto, tandaan natin na utang na loob natin sakanila ang buhay natin, walang kahit na anong bagay o halaga ng pera ang katumbas ng sakripisyo nila satin. Maswerte pa kayo na may Magulang kayo tapos ginaganyan niyo lang, tandaan niyo, kung ano ang ginagawa ninyo sa Magulang niyo ay siya ring gagawin sa inyo ng mga Anak niyo.”

“Hayop ka Ako salbahe akong anak pasaway at matigas ulo ko pero never Kong ginawa sa Magulang ko Yan kahit noong may sakit na cia. Kung Sino ka man Sana huwag. Bumalik SAYO yan ginawa mo sa Nanay mo. Dapat sayo mabigyan ng leksyon.”

Umabot ng libo libong shares sa social media ang nangyari sa matanda.

Sinusubukan naming humingi ng update mula kay Mr. Damasco upang makamusta ang lagay ng matanda.

Facebook Comments