Home Social Media Pitong magkakapatid, kinantahan ang kanilang ina na namayapa upang ito daw ang ‘magising’

Pitong magkakapatid, kinantahan ang kanilang ina na namayapa upang ito daw ang ‘magising’

0

Pitong magkakapatid ang idinaan na lamang sa pagkanta ang kanilang pangungulila sa kanilang ina na namayapa.

Sa isang video mula kay Rowena Germina ay makikita ang magkakapatid na kinakantahan ang kanilang ina na si Imelda Casaul dahil naniniwala sila na baka ito pa ay gumising.

“Dalawang araw nang nakaburol ‘yung nanay nila noon. Sabi ng mga bata, kakantahan daw nila ‘yun mama nila para magising. ‘Iingatan Ka’ ‘yung kinakanta ng mga bata. ‘Yun daw kasi ‘yung favorite ng nanay nila. Nakakaawa ‘yung mga bata. Sobrang babata pa nila para mawalan ng ina.” saad ni Rowena.

Kinanta nila ang “Iingatan ka” ni Carol Banawa na paborito daw na awitin ng kanilang namayapang ina.

Nangako naman ang isa sa mga anak ni Imelda na si Ginbert na aalagaan niya ang kanyang mga kapatid.

“Gusto naming kantahan si Mama. Kasi nu’ng natutulog kami dati, kinakantahan niya kami. Mahal ko si Mama. Siya ang bestfriend namin. Ma, promise ko aalagaan ko ang mga kapatid ko. Mahal na mahal ka namin, Ma.” 

ani Ginbert.

Inulan naman ng tulong ang magkakapatid mula sa mga netizens at mga kilalang personalidad sa kanilang lugar.

Kada isang tumulong ay nagpaabot ng 100 hanggang 10,000 piso sa pamilya ni Imelda.

Ayon sa kanila ay malaking tulong ang iniabot na tulong sa kanila, lalo na’t kulang na sila sa kanilang pamilya ngayong wala na si Imelda.

Inaasahan na ipapalabas sa magazine program na Kapuso Mo, Jessica Sojo ang buhay ng magkakapatid.

Facebook Comments