Home Celebrities Christine Dacera movie? Ina ng nasabing flight attendant, nakipagkita sa isang film producer

Christine Dacera movie? Ina ng nasabing flight attendant, nakipagkita sa isang film producer

0

Naging usap usapan ngayon sa social media ang posibleng pagsasadula ng buhay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Umugong ang balita matapos makita sa iisang litrato ang ina ni Christine na si Mrs. Sharon Dacera at isang kilalang line producer ng BG Productions International Inc. na si Dennis Evangelista.

Sa social media page ni Evangelista ay makikita ang isang kolumnista na hindi nagdalawang isip na mag tanong kung magkakaroon nga ba ng pelikula tungkol sa buhay ng flight attendant na pumanaw noong Enero 1 matapos lumahok sa isang party kasama ang kanyang mga kaibigan.

“Isasapelikula na?! DETAILS pls!!!” tanong ng kolumnista na si Gerry Olea.

Sagot naman ni Evangelista na may mga pag uusap na sa pagitan nila at sa pamilya Dacera, ngunit hindi pa sigurado kung matutuloy ito.

May isa pa siyang kaibigan na inirekomenda ang isa sa mga respondents na si Valentine Rosales para maging cast sa nasabing pelikula.

“Congratulations sa new movie project Dennis C. Evangelista and more more to come …. Puwede ba mag audition sa role Ng napakaingay na si Valentine Rosales .. haha,” ani Mark Vincent.

Kung magkatotoo man ay maaring magkaroon ng share ang pamilya Dacera sa kikitain sa pelikula.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang pamilya Dacera sa posibleng movie project.

Matatandaan na hanggang ngayon ay hindi naniniwala ang pamilya Dacera na natural ang dahilan ng pagpanaw ni Christine.

Kumbinsido sila na may gumawa ng mali kay Christine sa nasabing party kaya’t nanghina ito hanggang sa makita na lamang ito sa bathtub na wala ng buhay.

Dahil sa kagustuhan nilang malaman ang totoong nangyari kay Christine ay humingi na rin sila ng tulong sa isang paranormal expert para daw makausap nila ang flight attendant na nasa kabilang buhay na ngayon.

 

Facebook Comments