Home Celebrities Kit Thompson, sinabing masyado ng matanda si Agot Isidro para jowain niya: “Grabe naman, ganun katanda?”

Kit Thompson, sinabing masyado ng matanda si Agot Isidro para jowain niya: “Grabe naman, ganun katanda?”

0

Prangka ang naging sagot ng aktor at model na si Kit Thompson sa “Jojowain o Totropahin” challenge na content sa channel ni Erich Gonzales sa Youtube.

Sa nasabing panayam, sinabi ni Kit na hindi niya type ang masyadong bata at mas gusto niya ay yung medyo mature.

Kaya napatanong tuloy si Erich kung ‘yung mga tipo ba ni Agot Isidro ang gustong babae ni Kit na nakilala matapos maging housemate noong 2012 sa Pinoy Big Brother (PBB).

“Gusto mo ‘yung mas may edad?  Mga ilang taon? O, sige ito na ‘wag nang magpatumpik-tumpik kasama rin natin sa taping, mga veteran (actresses) tayo. Miss Agot Isidro?” tanong ni Erich kay Keith.

Nagulat naman si Kit sa tanong ni Erich.

“Grabe naman, ano ganu’n katanda,” natatawang sabi ni Kit.

Kahit si Erich ay nabigla sa sagot ni Kit at hinimok ang aktor na humingi ng tawad kay Agot.

“Grabe ka! Hala mag-sorry ka na sa kanila kay Ms. A (Agot) at kay Ms. J (Janice de Belen).” ani Erich.

Pero ayon kay Kit ay hindi na niya kailangang mag sorry dahil alam naman niya na mabuti ang kanilang relasyon.

Matapos noon ay ipinagpatuloy na ni Erich ang pagtatanong kay Kit tungkol sa iba pang babae na maaring tipo niya.

Hindi naman nabigyan ng tugon si Agot tungkol sa nasabing pahayag ni Kit.

Si Agot ay 54 taong gulang na ngunit madami parin ang pumupuri sa kanyang ganda.

Ngunit dumami din ang kritiko ng aktres simula ng maging aktibo ito sa pagbibigay ng komento tungkol sa ilang usapin sa bansa.

Ilan sa mga ibinabato sa kanya ng mga kritiko ay ang kanyang pagiging matanda.

Facebook Comments