Home Social Media General Parlade binanatan si Tulfo: “Hindi malaki ang bunganga ko tulad ni Mr. Ramon Tulfo!”

General Parlade binanatan si Tulfo: “Hindi malaki ang bunganga ko tulad ni Mr. Ramon Tulfo!”

0

Hindi inurungan ni NTF ELCAC Spokesperson lieutenant-general Antonio Parlade Jr. ang mga pahayag ng mamamahayag na si Ramon Tulfo laban sa kanya.

Sa isang kanyang artikulo na pinamagatang “Lt. Gen. Antonio Parlade’s big mouth” pinuna ni Tulfo ang mga pahayag ng heneral.

Isa na sa mga pinuna ni Tulfo ay ang mga sinabi ni Parlade sa isang mamamahayag na nagsulat tungkol sa Aetas na diumano’y pinahirapan ng mga sundalo.

Sinabi pa nito na tinatakot ni Parlade ang ilang artista katulad ni Liza Soberano, Angel Locsin at Catriona Grey.

Ayon kay Tulfo ay dapat lang na palitan na si Parlade bilang spokesperson.

Ngunit hindi naman nagpatalo si Parlade at sinabi na si Tulfo ang may malaking bunganga at hindi siya.

“Hindi malaki ang bunganga ko tulad ni Mr. Ramon T. Tulfo, pero sinisigurado ko, mas malaki ang puso ko para sa bayan. Hindi man ako articulate pero TOTOO ang sinasabi ko, hindi tulad ng sinasabi ni Mr. Tulfo na puro base sa nabasa niya sa diyaryo, at maling basa niya,” ani Parlade.

“Sino nagsabi na komunista sina Liza, Angel at Catriona? Ako? Hindi po Mr. Tulfo. Kaya hindi ako ang nag-red-tag sa kanila, baka ikaw. Kung ako sa iyo, magbasa ka muna ng mga post ko at huwag umasa sa mga articulate mong researchers,” dagdag niya pa.

Idinagdag pa ni Parlade na diumano totoo ang balita na pinahirapan ang mga dalawang Aeta at binanggit na mismong Korte Suprema na ang nagsabi nito.

“Oo nga pala Mr. Tulfo, nagdesisyon na ang SC na hindi pwede ang mga testimonya ng 2 Aeta na nagsabi na pinakain sila ng dumi ng sundalo,” saad ni Parlade.

“Ito ay pawang propaganda na itinuro lang sa kanila ng NUPL,” dagdag niya pa.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Tulfo sa banat sa kanya ni Parlade.

 

Facebook Comments