Home Celebrities Netizens, humanga muli sa ganda ni Angel Locsin matapos magpakita muli sa publiko

Netizens, humanga muli sa ganda ni Angel Locsin matapos magpakita muli sa publiko

0

Muli nanamang pinahanga ng aktres na si Angel Locsin ang mga netizens sa kanyang angking ganda sa mga bago niyang litrato na lumabas sa social media.

Sa mga litrato na kuha ni Reynald Barcelon Cagud ng ‘Kuya Rey photography’ ay makikita si Locsin habang soot soot ang isang flowery dress.

Hindi naman napigilan ng mga netizens na purihin si Locsin.

“Beautiful inside and out kahit mataba bst wlng sakit ok n un.ingat palagi lalo n ung likod mo bayaan muna mga kritiko masaya n kmi basta healthy ka. Love you,” ani Juanita Alivia.

“Yung nilait si angel pero mas maganda parin sya kesa sa nanglait,” sabi ni Bryan Siapo.

“Pretty still with pure heart and soul. Ang swerte ng soon to be hubby nya at magiging mga anak nila. Sarap magkaroon ng kaibigang Angel Locsin alam mong totoo syo at hindi ka iiwan sa ere. GOD BLESS YOU AND I PRAY MAY GOD GRANT THE DESIRES OF YOUR HEART,” comment ni Blcklstd Hckr.

Matatandaan na nadagdagan ng timbang si Angel dahil sa kanyang karamdaman at kinailangan nitong isakripisyo ang kanyang ehersisyo.

Hindi rin naiwasan na may mga taong pagtawanan ang kanyang bagong itsura, ngunit agad niya naman niya itong pinalagan.

“May mga bagay kasi na hindi mo dapat gawin sa kapwa mo. Kung ang taong ito comfortable siya sa ginagawa niyang ‘yan, ayaw ko mag-deal sa mga ganu’ng klaseng tao. Kasi sad ang life niya. Kasi ako, wala akong problema. Bakit ikaw ang dami mong isyu?” ani Locsin.

“Ako nga, walang isyu, eh. Katawan ko ‘to, ako ‘to, sarili ko ‘to.” dagdag niya pa.

 

Facebook Comments