Home Netizen's Voice Netizen ikinuwento ang diumano’y usapan nila ng isang taxi driver na nagsisisi sa pagboto kay Pangulong Duterte

Netizen ikinuwento ang diumano’y usapan nila ng isang taxi driver na nagsisisi sa pagboto kay Pangulong Duterte

0

Isang netizen ang ikinuwento ang diumano’y pakikipag usap niya sa isang taxi driver na sinabihan siya tungkol sa pagsisisi nito sa pagsuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte noong eleksyon.

Ngayong umiinit na ang usapan sa politika at sa darating na 2022 Presidential Election ay ibinahagi ni @anchristine_twt ang istorya ng taxi driver na si “Kuya Jovi”.

Ayon kay Christine ay 3-5 minuto silang nakapag usap ng taxi driver at hindi niya mapigilan ang “maiyak” dahil sa naramdaman niya daw ang pagsisisi ni Jovi.

“Nagsisisi akong binoto ko sya.”

“Pinigil kong maiyak pagkarinig ng statement na nyan mula sa drayber ng taxing nasakyan ko kanina.”

“Noong 2016, nagtiwala si kuya Jovi kay Du30. Marami pang nasabi si kuya sa huling 3-5 mins ng pag-uusap namin. Naramdaman ko yung dismaya at galit.”

Nag umpisa ang usapan ni Christine at ni Jovi sa kamustahan hanggang sa umabot na sila sa usapin tungkol sa kasalukuyang lagay ng bansa.

Ayon kay Jovi ay nakita niya daw ang paunti unting pagkawala ng ilang negosyo dahil narin sa nangyayaring pagkalat ng sakit ngayon sa bansa.

“Pagdating namin sa isa sa mga major streets sa Taguig (may talipapa, convenience stores, fastfood chains, groceries, maraming sidewalk vendors), sabi nya, buti pa raw doon parang tuloy-tuloy ang hanapbuhay. Kako thriving businesses doon kasi napapaligiran ng residential areas,”

Sinisi pa daw ng taxi driver ang kapabayaan ng gobyerno sa pagkawala ng trabaho ng mga tao.

Sinabi pa ni Christine sa kanyang kwento na nagkasundo daw sila ng taxi driver na huwag ng iboboto ang mga katulad ni Pangulong Duterte sa 2022.

Nag komento pa daw ang taxi driver tungkol sa red-tagging na nagaganap sa mga estudyante at hindi pa daw iboboto ni Kuya Jovi si Manny Pacquiao.

Kinuha rin diumano ni Christine ang litrato ng ID ng nasabing taxi driver ngunit hindi niya ito pinakita sa kanyang tweet.

Nag viral ang nasabing post sa Twitter at nakakuha ng libo libong reaction.

 

 

Facebook Comments