Home Celebrities Jam Magno, tinawag na ‘bakla’ ang boyfriend ni Agot Isidro na si dating Solicitor General Florin Hilbay

Jam Magno, tinawag na ‘bakla’ ang boyfriend ni Agot Isidro na si dating Solicitor General Florin Hilbay

0

Naging prangka ang mga pahayag ng blogger na si Jam Magno laban kay Agot Isidro.

Ngunit napansin din ng mga netizens ang banat ni Magno sa dating Solicitor General at natalong senatorial candidate na si Florin Hilbay.

Sa kanyang video ay binanatan ni Magno si Isidro at idinamay pa nito si Hilbay.

“Hindi ba ipinaalam sa iyo ng ‘gay lover’ mo na pangit ka?” banat ni Magno kay Isidro.

Sa isa pang video ay sinabi pa ni Magno na hindi niya sana babatikusin ang relasyon ni Isidro at Hilbay dahil humanga din siya sa aktres dahil nagmahal daw diumano ito ng isang gay.

“Hinintay ko talaga bago ko pagsalitaan si Agot Isidro at bago kita lambingin kasi una sa lahat girl, you are dating a gay man, that’s such a straight ally a move, as in nirerespeto kita sa mga aspetong ganyan,” saad ni Magno.

“However, nung nagsabog ng kaingitan sa Pilipinas ikaw lang kasi talaga ‘yung gising,” dagdag niya pa.

Kahit ang isa pang blogger na si Krizette Chu ay hindi napigilan na ibigay ang kanyang komento sa sinabi ni Magno.

“Agot Isidro OMG!!!! She called you mediocre, and says you super downgraded from Monsour del Rosario, the epitome of masculinity, to Pilo Hilbay, epitome of toxicity?” ani Chu.

Naging magkarelasyon noon si Del Rosario at Isidro.

Si Hilbay at Isidro naman ang kasalukuyang magkasintahan at inanunsyo nila ito sa gitna ng 2019 senatorial election.

Matatandaan na nag post noon si Magno ng kanyang tugon kay Isidro na ibinahagi sa kanyang Twitter ang dating itsura ng blogger.

Hindi naman nagbigay ng tugon si Hilbay sa mga banat sa kanya ni Magno.

Matatandaan na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte noon ang nag akusa kay Hilbay na diumano’y bakla daw ito.

“Hilbay, isang bak–, ang girlfriend niya, si Agot Isidro. ‘Yun namang boyfriend niya, bakla,” ani Duterte.

Ngunit itinanggi ng dating Solicitor General ang mga paratang ng Pangulo sa kanya.

Facebook Comments