Home Celebrities Ate Gay, nagreklamo matapos hindi bayaran ng KMJS at iba pang GMA shows ang kanyang talent fee

Ate Gay, nagreklamo matapos hindi bayaran ng KMJS at iba pang GMA shows ang kanyang talent fee

0

Hindi na nakatiis ang komedyante na si Gil Morales o mas kilala sa kanyang screen name na ‘Ate Gay’ at inilabas na nito ang kanyang sama ng loob.

Sa isang tweet, tinawag ni Ate Gay ang atensyon ng Kapuso Mo Jessica Sojo, All Out Sunday at Youlol na pawang mga programa ng GMA-7 dahil sa diumano’y hindi pa niya natatanggap ang talent fee niya.

Ayon sa kanya ay halos ilang buwan na siyang naghihintay sa mga talent fee na dapat ay natanggap niya na noon pa.

“AOS GMA7 dalawang guesting ko di pa po ako nababayaran. Yung sa Jessica Soho isang guesting wala pa din po…’Yung sa youLOL wala pa din po last year pa yun plzzzzzz..” pakiusap ni Ate Gay sa mga nasabing programa.

Makalipas ng halos isang oras ay inanunsyo niya na may staff ng KMJS na kumausap sa kanya at ipinadala na ang talent fee niya.

“Ayy ohh. salamat sa inyo.. nabayaran na ako agad-agad gcash ng Jessica Soho…. AOS nlang at Youlol,” saad niya.

Matapos ang ilang oras ay binura na rin ng komedyante ang kanyang mga tweet.

Hindi naman malaman kung kinausap na rin siya ng staff ng AOS at Youlol tungkol sa kanyang talent fee.

Sa ngayon ay abala si Ate Gay sa pag aasikaso sa kanyang debut single na “May Himala Pala” sa ilalim ng Lodi Records.

Nakilala ang nasabing komedyante dahil sa kanyang angking talento sa pagpapatawa at sa kanyang mga mash up songs.

Ilan sa mga video ng kanyang mash up ay umabot ng daang libong reactions mula sa mga netizens.

Facebook Comments