Home Social Media Pangulong Duterte, hindi bibigyan ng prangkisa ang ABS-CBN hangga’t hindi ito nagbabayad ng tamang buwis

Pangulong Duterte, hindi bibigyan ng prangkisa ang ABS-CBN hangga’t hindi ito nagbabayad ng tamang buwis

0

Hindi diumano papayag si Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng prangkisa ang mga Lopez na nagmamay-ari ng ABS-CBN.

Sa kanyang lingguhang “address the nation” sinabi ni Pangulong Duterte na wala siyang problema sa plano ng ilang kongresista na bigyan ng bagong prangkisa ang Kapamilya Network.

Pero iginiit ng Pangulo na hindi niya pahihintulutan ang National Telecommunications Commission (NTC) na bigyan ng permiso para makapag operate muli ang ABS-CBN.

Ayon sa Pangulo ay kailangan diumano munang bayaran ng mga Lopez ang mga tax na hindi nito nabayaran sa gobyerno.

“Yung Congress is planning to restore the franchise… Wala akong problema doon kung irestore ninyo. But if you say if they can operate, no. I will not allow the NTC to grant them the permit to operate,” ani Pangulong Duterte.

“Kung ibigay ninyo yung franchise because it is within your power to do it, go ahead. Unless and until, mabayaran ng mga Lopez ang taxes nila, I will ignore your franchise and I will not give them the license to operate,” dagdag niya pa.

Matatandaan na inakusahan noon ang ABS-CBN ng diumano’y pag gawa ng paraan para makaiwas sa pagbabayad ng tamang buwis.

 

Hindi pa naglalabas ng pahayag ang ABS-CBN sa panibagong babala sa kanila ni Pangulong Duterte.

 

Facebook Comments