Home Social Media “Binabatuta po kami” Magkapatid, ikinuwento kung bakit sila kinawawa ng kanilang madrasta na si Norma

“Binabatuta po kami” Magkapatid, ikinuwento kung bakit sila kinawawa ng kanilang madrasta na si Norma

0

Sa unang pagkakataon ay ikiniwento ng magkapatid na nag viral kahapon ang ginawa sa kanila ng kanilang madrasta na si Norma Truita.

Matatandaan na umabot ng mahigit 150,000 shares ang istorya ng magkapatid na nakatakas sa kanilang stepmother na diumano’y ginawan sila ng masama sa loob ng isang taon.

Makikita sa video na ipinakita ni Michael Rosario na siyang nag rescue sa mga bata na mas maganda na ang pakiramdam nila at nakaka gamit na rin sila ng smartphone.

Ayon sa magkapatid ay pinaparusahan sila ng kanilang madrasta kapag hindi kagad sila sumsunod sa utos nito.

Kahit din daw sa mga panahon na masama ang pakiramdam nila ay hindi sila nakakaligtas kay Truita.

Nilalamig din daw sila tuwing gabi dahil sa sahig lang din sila pinapatulog ng kanilang madrasta.

“Sahig lang ang hinigaan namin, kumot lang po ang sapin namin at unan,” ani ng isa sa magkapatid.

Pinagmamasahe din daw sila ng apat na oras ng kanilang madrasta at kapag hindi sila sumunod dito ay may parusang naghihintay sa kanila.

“Pinagmamasahe po kami hanggang simula alas otso ng gabi hanggang alas dose ng madaling araw po, minsan hanggang ala una,” sabi pa nila.

Kapag hindi parin daw sila sumunod sa kanilang madrasta ay gagamitan na sila ng batuta nito.

Kapag sinabi mong ‘wait lang’ ‘ayun kukunin niya na [yung batuta]” kwento pa ng magkapatid.

Nangako naman si Rosario na lahat ng tulong na darating ay ibibigay ng buo sa magkapatid.

Bnanggit din nito na tila nakarating sa mamamahayag na si Raffy Tulfo ang istorya ng magkapatid.

Ibibili na rin ng bagong matutulugan ang magkapatid upang hindi na sila sa sahig mamamahinga.

Facebook Comments