Home Social Media Magkapatid na biktima ng madrasta na si Norma B. Truita, inulan ng tulong mula sa mga nagmagandang loob

Magkapatid na biktima ng madrasta na si Norma B. Truita, inulan ng tulong mula sa mga nagmagandang loob

0

Ginimbal ang mga netizens ng isang istorya tungkol sa magkapatid na diumano’y pinagmalupitan ng kanilang madrasta.

Sa post ni Michael Pobadora Rosario, ipinaalam niya sa mga netizens ang kalagayan ng magkapatid na hindi na makilala matapos silang mapunta sa poder ng kanilang stepmother na nakilala na si Norma B. Truita.

Ayon kay Rosario ay isang taon na palang pinapahirapan ni Truita ang magkapatid na makikita ang laki ng kanilang pinagbago sa kamay ng madrasta.

Ipinakita ni Rosario sa isang video ang kasalukuyang kalagayan ng mga bata at makikita dito ang kalunos lunos nilang sinapit.

Nakatakas lang diumano ang mga bata sa poder ni Truita na ngayo’y maaring maharap sa patong patong na kaso.

Inulan naman ng tulong ang magkapatid mula sa mga nagmamalasakit na mga netizens.

Agad na bumili ng mga gamit at pagkain si Rosario sa mga biktima na ngayo’y nasa mabuti ng mga kamay.


Makikita rin sa isang video na inuulan ng tulong ang magkapatid na nangangailangan ng atensyong medikal sa lalong madaling panahon dahil sa kanilang tinamo mula sa kanilang madrasta.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa malaman kung nasaan si Truita, ngunit nakarating na diumano ang kaso ng magkapatid sa mga otoridad.

Inaasahan na sa lalong madaling panahon ay haharapin ng madrasta ang mga akusasyon laban sa kanya.

Facebook Comments