Home Netizen's Voice Netizens, naantig sa istorya ng isang lalake na tanging kanin at tubig lamang ang nakayang bilhin sa isang fast food restaurant

Netizens, naantig sa istorya ng isang lalake na tanging kanin at tubig lamang ang nakayang bilhin sa isang fast food restaurant

0

Isang istorya nanaman ang nagpaantig sa mga netizens.

Sa isang post, ikinuwento ni netizen Earl Calixtro ang kanyang karanasan matapos tulungan ang isang lalake na pumasok sa isang sikat na fast food restaurant sa San Fernando, Pampanga.

Sa kanyang kwento ay napansin niya ang lalake na tanging kanin lamang ang binili at humingi nalang ito ng service water sa nasabing restaurant.

Kitang kita sa mata ng lalake ang lungkot dahil sa kanin lamang ang kaya niyang mabili sa nasabing restaurant.

Kaya’t hindi na napigilan pa ni Earl na puntahan ang nasabing lalaki at tanungin kung gusto niya ba ng iba pang makakain.

Pumayag naman ang lalaki sa alok na tulong ni Earl.

Ayon kay Earl ay taga Tacloban siya at napunta lamang sa Pampanga upang maghanap ng trabaho.

Ngunit sa kasamaang palad ay dito narin siya inabutan ng lockdown kaya’t wala itong nagawa kundi ang mamalagi na lamang sa Pampanga kahit na wala itong kinabubuhay doon.

Hinimok din ni Earl ang ilang netizens na sana’y matulungan ang lalaki na makauwi sa Tacloban at makita ang kanyang pamilya.

Ito ang buong kwento:

“Kanina napadpad ako sa Pampanga. Nag lunch ako sa McDonald’s near SM. Si Tatay pumasok then umorder. After nun naupo sya malapit sa table ko. Pagdating nung order nya. 1 cup of rice and water lng. Kinakain nya rice lang. Nilapitan ko si Tatay tinanong ko kung gusto pa nya ng makakain. Oo daw kasi nagugutom sya pero kulang pera nya. So inorder ko sya ng makakain. Pagbalik ko sa table nya may chicken fillet na. Binigay nung crew. (thank you sa buong staff at crew ng McDonald’s san fernando malapit sa SM,di kayo nag dalawang isip tulungan si Tatay ) yung order ko para sa knya pina take out ko nalang para may pagkain pa sya mamaya. Kinausap ko sya sandali pero hindi ko sya maintindihan masyado kasi sobrang nanginginig sya. Siguro sa sobrang gutom. Plus hirap na din sya magsalita. Ang nakuha ko lang na information is taga TACLOBAN daw sya. Napunta lang sya sa Pampanga para humanap ng work. Sa kasamaang palad inabutan siguro ng lockdown. Sa mga may kakilala sa Tacloban baka po nakikilala nyo si Tatay. At sa iba pang gustong tumulong. Sana makauwi na sya sa knila¬†

Kahit ano man pong pagsubok ang pinag dadaanan nating lahat ngayon. Nakaka angat ka man sa buhay or simpleng mamamayan ka lang. Gawin mong tumulong sa kapwa mo lalo na dun sa mga nangangailangan talaga. Promise ang sarap sa pakiramdaman. Ingat tayong lahat. Matatapos din tong pandemic na to. Godbless,”

Umabot ng 3,700 shares ang nasabing post sa social media.

 

Facebook Comments