Home Celebrities Karen Davila, binanatan si Spox Harry Roque dahil sa sinabi nito na “manigas” na lamang ang mga kritiko ng gobyerno

Karen Davila, binanatan si Spox Harry Roque dahil sa sinabi nito na “manigas” na lamang ang mga kritiko ng gobyerno

0

Binatikos ng mamamahayag na si Karen Davila ang tagapagsalita ng Pangulo na si Harry Roque dahil sa pahayag nito laban sa mga kritiko ng gobyerno.

Matatandaan na noong dumating ang isa sa anim na tunnel boring machines na gagamitin sa Manila subway project ay binanatan ni Roque ang mga kritiko ng gobyerno.

“As we know the President has many critics and they will not stop until they regain power… Let today’s event be recorded in the annals of Philippine history as another first of the Duterte administration,” ani Roque sa kanyang talumpati.

“And to his critics, I have only this to say: Manigas kayong lahat.” dagdag niya pa.

Hindi naman nagustuhan ni Davila ang nasabing pahayag ni Roque na tila nagpapakita daw ng pagiging mayabang.

Ayon kay Davila ay dapat maging humble si Roque lalo na’t siya’y isang mataas na opisyal ng gobyerno.

“This is so unnecessary and uncalled for. A little humility and magnanimity from public servants won’t hurt,” ani Davila.

Kahit ang mga followers ni Davila ay hindi napigilan na mag komento sa sinabi ni Roque.

“And besides, para sa lahat ng Pilipino naman yan, di ba? Why the need to single out critics in this manner? Hindi naman pupunahin kung walang kapuna-puna. Isa pa, taxpayers din naman ang magbabayad ng ni-loan for that. And wasn’t this subway approved in 2015?” sabi ni @ceebee_em.

“What was he’s thinking? He forgets people taxes pay his salary. Parang langaw na nakatungtong sa kalabaw. I can’t wait till he becomes one of us. Nilamon ng nabubulok na sistema,” saad ni @narsOFW.

“This is so unbecoming, spokesperson pa naman sya, he should and must choose his words. Though Proud naman siguro ung pinagtatanggol nya,” ani @normsgarcia.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Roque sa pambabatikos na kanyang natanggap.

Facebook Comments