Home Politics Ex Sen. JV Ejercito, sinabing maaring magdala ang mga magulang ng sariling car seat kung sasakay sila ng taxi

Ex Sen. JV Ejercito, sinabing maaring magdala ang mga magulang ng sariling car seat kung sasakay sila ng taxi

0

Pinayuhan ni dating Senador JV Ejercito ang mga magulang na kailangan parin nilang sumunod sa Republic Act 11229 or Child Safety in Motor Vehicles Act.

Napapaloob sa nasabing batas na kinakailangan ang mga bata na 12 anyos pababa na gumamit ng car seat sa loob ng kanilang mga sasakyan.

Ayon kay Ejercito na siyang principal author ng nasabing batas ay kailangan din ng mga magulang na walang sariling sasakyan ang car seat kung sila ay sasakay sa taxi at transport network vehicle service (TNVS).

“Siguro ‘pag meron kayong sanggol, mas maganda meron na rin ho kayong car seat,” ani Ejercito.

“Siyempre hindi naman natin siguro mai-eexpect na ang mga taxis ay meron silang car seat.” dagdag niya pa.

Umaabot ng 2,000-30,000 ang halaga ng mga car seat sa merkado ngayon.

Sinabi ni Ejercito na tanging mga taxi at TNVS pa lamang ang kailangang gumamit ng car seat dahil sa inaaral pa ng DOTr kung paano nila ito ipapatupad sa mga jeepney, bus at iba pang pampublikong sasakyan.

Sa ilalim ng batas ay maaring magbayad ng multa na aabot sa P5,000 at suspensyon ng lisensya ang mga lalabag dito.

Naging kontrobersiyal ang nasabing batas at inulan ito ng reklamo sa mga netizens dahil ang iba sa kanila ay hindi alam kung saan kukuha ng pambili ng car seat.

Dahil dito ay hinimok ng senado ang Land Transportation Office (LTO) na huwag munang ipatupad ang nasabing batas.

Hindi diumano nabigyan ng sapat na oras ang publiko na maghanda sa nasabing batas.

Pumayag naman ang LTO sa hindi muna nila paparusahan ang mga hindi susunod sa car seat law at papaalalahanan lamang sila.

Facebook Comments