Home Social Media “Birthday ko pa naman!” Mga tulak, huling huli habang nakikipag transaksyon sa kanilang buyer na mga undercover pala

“Birthday ko pa naman!” Mga tulak, huling huli habang nakikipag transaksyon sa kanilang buyer na mga undercover pala

0

Viral sa social media ngayon ang operasyon na isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng PNP at PDEA sa mga diumano’y kilalang tulak sa Paranaque City.

Sa footage na ibinahagi ng PDEA sa DZAR 1026 ay makikita ang transaksyon sa pagitan ng mga suspek at mga otoridad na nagpanggap na buyer ng item.

Nakilala ang mga diumano’y tulak na sina Jc Andre Beltran, 21, residente ng Barangay San Dionisio Paranaque, Fahad Sakip Malik,  18, residente ng Taguig City Liza Ocampo, 18 at John Robert Vicente, 19 na pawang taga Lahuarte, Paranaque City.

Isinagawa ang timbangan ng mga item at bigayan ng marked money sa loob mismo ng isang kotse kung saan ay nakakabit ang isang camera para makuhanan ng footage ang nasabing transaksyon.

Sumikat ang nasabing footage dahil sa nakakaaliw na reaksyon ng mga suspek matapos nilang malaman na sila pala’y binibitag na ng mga otoridad.

Tila kasi ay litong lito pa ang mga suspek kung bakit sila hinuhuli ng mga miyembro ng PNP at PDEA.

Hindi daw kasi nila alam kung bakit sila hinuhuli ng mga otoridad.

“Bakit po? Inutusan lang po ako,” sabi ng isa sa mga suspek.

Habang binabasahan sila ng kanilang karapatan ay humihirit pa ang mga suspek na sila’y pakawalan na ng mga otoridad.

Ayon sa isa sa mga suspek at “birthday” niya pa naman sa araw na ‘yon at inutusan lang siya.

“Ang bata bata ko pa sir eh, 17 palang ako,” hirit ng suspek sa mga operatiba.

Agad naman ipinakita ng mga otoridad sa publiko ang mga nasamsam na item sa mga suspek.

Nakuha sa mga suspek ang item na nagkakahalaga ng P2,720,000, isang smartphone at ang marked money na ginamit ng mga otoridad.

Umabot naman ng daang libong reaction ang nasabing video sa social media.

Hindi rin naitago ng mga netizens ang kanilang pagkadismaya sa mga suspek.

Sa ngayon ay nagtuturuan parin daw ang mga suspek at walang umaako kung sino ang totoong may ari ng mga items na nakuha ng mga operatiba sa kanila.

Facebook Comments