Home Social Media OFW, ipinagpalit parin daw ng nobya sa iba kahit na nabigyan niya ito ng 2 sasakyan at libo libong pera

OFW, ipinagpalit parin daw ng nobya sa iba kahit na nabigyan niya ito ng 2 sasakyan at libo libong pera

0

Naubos na ang ipon bilang Overseas Filipino Worker (OFW) ni Emerson Navarro ngunit niloko parin siya ng kanyang nobya.

Isinumbong sa Raffy Tulfo in Action ni Emerson ang kanyang dating nobya na si Yolanda Buhia na inubos diumano ang kanyang pera at ipinagpalit pa ito sa ibang lalake.

Ayon sa kwento ni Emerson ay nagbigay siya ng limpak limpak na pera at dalawang kotse kay Yolanda na inaasahan niya na magpapakasal sa kanya kapag umuwi na ito.

Nakilala ni Emerson si Yolanda sa Facebook at inakala nito na mabuti ang kalooban ng kanyang dating nobya.

Sinubukan din noon umuwi ni Emerson sa Pilipinas para sana makita na ng personal si Yolanda, ngunit kinumbinsi siya ng kanyang dating nobya na mag ipon nalang muna sa abroad.

Hindi rin naman nakapag ipon si Emerson dahil napunta rin sa inirereklamo ang kanyang limpak limpak na salapi.

Saka nalang nalaman ng OFW na mayroon na palang ibang karelasyon si Yolanda sa loob ng pitong buwan.

Si Yolanda kasama diumano’y ibang karelasyon

Ikinuwento ni Emerson na hiniling ni Yolanda na maging simple nalang ang kanilang kasal basta’t makakuha ito ng kotse sa OFW.

Binigyan naman ng ikalawang kotse ni Emerson ang inirereklamo matapos nitong makumbinsi na kailangan din ng magulang ng kanyang dating nobya ng sasakyan.

Umabot naman daw ng 762,000 pesos ang perang naipadala niya kay Yolanda.

Ipinagtanggol naman ni Yolanda ang kanyang sarili at sinabi na kusang ibinigay ni Emerson ang pera at sasakyan.

Hindi niya naman inaakala na kailangan niyang bayaran ang pera na ibinigay sa kanya ng OFW.

Sinabi pa nito na nawalan din siya ng trabaho dahil sa panghihiya na ginawa ni Emerson.

Iginiit naman ni Yolanda na minahal niya si Emerson, ngunit nagbago daw bigla ang ugali nito.

“Noon mabait na mabait ka sakin kaya gusto kitang pakasalanan, yun nga lang masyado kang bungangero,” ani Yolanda.

Nilinaw din ni Yolanda na hiwalay na sila ni Emerson ng nagkaroon siya ng bagong nobyo.

Pero sinabi naman ni Emerson na hindi nagsasabi ng totoo si Yolanda.

Humingi naman ng tawad si Yolanda at nangako na ibabalik ang kotse at pera kapag siya ay nagkaroon na ng trabaho.

 

Facebook Comments