Home Celebrities Megastar Sharon Cuneta, ipinagtanggol si Frankie Pangilinan sa mga nag dislike sa kanya: “Your music is awesome!”

Megastar Sharon Cuneta, ipinagtanggol si Frankie Pangilinan sa mga nag dislike sa kanya: “Your music is awesome!”

0

Hindi na nakapagpigil si Sharon Cuneta at ipinagtanggol na ang kanyang anak na si Frankie “Kakie” Pangilinan matapos itong paulanan ng dislike ng mga netizens.

Sa kanyang Instagram post ay ipinakita ng megastar ang kanyang pag suporta kay Kakie na napaulanan ng dislike ng mga netizens.

Tinawag ni Sharon na “talented” ang kanyang anak at sinabi pa nito na hanga siya sa musika ni Kakie.

Tila may pasaring pa ito sa mga kritiko ni Kakie na matatandaan na inakusahan na ‘paid trolls’.

Ayon kay Sharon ay milyon milyon daw na totoong tao ang nagmamahal kay Kakie at hindi mga “bots”.

“Love and light, our dearest, most precious, beautiful and talented daughter, KAKIE! Your music is awesome!!!❤️❤️❤️ We and millions of (real, not bots!) people out there love you so much!”

Isa sa mga pinakasikat at nirerespeto na singer si Sharon na kumakanta na kahit noong siya’t teenager pa lamang.

Madami ang nagpakita ng suporta sa mag ina.

“Beautiful, talented and courageous. Bata pa lang may paninindigan na. They can never put a good person down.
A combination of Cuneta and Pangilinan, what could be wrong? Absolutely nothing!!!” saad ni Borjalice.

ngunit may ilan parin na hindi maitago ang pagkadismaya kay Kakie na kilala sa pagiging aktibo sa mga usapin ng bansa.

“Sorry to say iba ang laman ng utak ng anak nyo puno ng hangin… My lola and mom are big sharonian,” ani @crizzyjoe.

“I remembered late 80’s and 90’s how sharon Cuneta filled movie houses.. ALWAYS STANDING.. punong puno ng tao.. but still ang bait at makumbaba… never engage to any politics kahit sikat na Mayor ang father…BUT FRANKIE iwan ko sayo .. taas ng hangin ng utak mo,” dagdag niya pa.

Matatandaan na umabot ng mahigit isang daang libong dislike ang performance ni Kakie sa Wish Bus kung saan ay kinanta niya ang kanyang debut single na ‘tyl’.

Sinabi pa ng ilan na wala daw namanang talento si Kakie sa kanyang ina.

Hindi naman kumbinsido si Kakie na normal ang natanggap niyang dislike sa kanyang video.

Facebook Comments