Home Celebrities Baninay Bautista, naging emosyonal matapos i-anunsyo na siya ay hiwalay na sa kanyang nobyo

Baninay Bautista, naging emosyonal matapos i-anunsyo na siya ay hiwalay na sa kanyang nobyo

0

Hindi na napigilan ng vlogger at host na si Baninay Bautista ang kanyang emosyon matapos niyang i-anunsyo na siya ay nakipaghiwalay na sa kanyang nobyo na si Bont Bryan Oropel.

Sa kanyang vlog ay ipinakita ni Baninay ang kanyang pagluha sa mga followers niya na hindi rin makapaniwala sa malungkot na balita.

Tila nanghihinayang naman si Baninay sa paghihiwalay nila ni Bont na tinawag niya na lalaki na kanyang pinapangarap.

“Wala na kami ni Bont. Halos mag-two years na kami. Mahaba na rin ‘yung pinagsamahan namin,” ani Baninay.

“Siya ‘yung lalaki na pangarap ko. Wala akong reklamo sa ugali niya. Sobrang bait niya sa akin. Sobrang mahal na mahal niya ako. So, love na love ko siya pero dadating din pala kayo sa point na hindi kayo magkakaintindihan, na hindi mo alam kung anong nangyaring mali pero alam mo may mali.” dagdag niya pa.

Ayon sa kanila ay nag uusap parin silang dalawa ‘yun nga lang ay tungkol na lamang ito sa kanilang mga negosyo na itinayo ‘nung sila pa.

Sinubukan niyang ayusin ang kanilang relasyon ngunit hindi na daw ito talaga maibalik sa dati.

“After namin mag-break tina-try pa namin ayusin. Akala ko nga babalik na kami sa dati pero may something na hindi mafi-fix kapag hindi ka rin na-fix sa sarili mo. Kumbaga aayusin ko muna sarili ko, aayusin mo muna sarili mo saka tayo mag-usap, parang ganon,” kwento niya.

“Time apart lang talaga ‘yung kailangan namin… Let me grow. I’ll let you grow,” dagdag niya pa.

Wala namang sinabing dahilan si Baninay kung bakit sila naghiwalay ni Bont.

Nag paabot naman ng suporta ang kanyang mga kaibigan at followers sa kanya.

Matatandaan na naging kontrobersiyal si Baninay matapos nitong banatan ang Pangulo ng Pilipinas.

“Taas ang kamay ng mga bumoto kay pduts dati pero feeling nila nasayang boto nila at kelangan na siya iparehab kase malakas na sira niya sa ulo. #OUSTDUTERTENOW,” banat ni Baninay.

Nakatanggap din ito ng batikos noon sa komedyante na si Pokwang.

Facebook Comments