Home Celebrities Valentine Rosales, sinabing itinakwil ng ama matapos aminin ang kanyang kasarian matapos masali sa Christine Dacera case

Valentine Rosales, sinabing itinakwil ng ama matapos aminin ang kanyang kasarian matapos masali sa Christine Dacera case

0

Inamin ng isa sa mga respondents sa Christine Dacera case na si Valentine Rosales na malaki na ang nagbago sa kanyang buhay isang buwan matapos ang nakakalungkot na nangyari sa nasabing flight attendant.

Sa isang panayam ng DZRH kay Valentine noon Enero 30 ay inamin niya na siya ay nawalan ng trabaho at itinakwil pa ng kanyang sariling ama.

Dahil diumano sa pagiging kasali niya sa kaso ni Christine ay pinaalis siya sa banko na kanyang pinagta-trabahuhan.

Hindi niya na rin iniisip na maghanap ng bagong trabaho sa ngayon dahil narin sa mga kanyang kakaharapin na kaso sa korte.

“Hindi pa po ako pwedeng magtrabaho dahil po sa nangyari na ito,” ani Valentine.

Ngunit pinakamasakit diumano ang ginawang pagtakwil sa kanya ng kanyang ama na isang Chinese dahil sa inamin nito na isa siyang ‘gay’ upang ipagtanggol noon ang kanyang sarili sa mga nag aakusa sa kanya.

“Ayun naka-empake na po lahat ng gamit ko, kinuha ko na lang po. Siya na po ang nag-empake. Inutusan po niya ‘yung katulong. Siya na po ang nag-ayos ng gamit ko, kasi ayaw na niya po ako sa bahay.” kwento niya.

Ayon sa kanya ay isang Taiwanese ang kanyang ama at naniniwala ito na ang kanyang pagiging ‘gay’ ay isang malas sa kanilang pamilya.

Sa kulturang Chinese ay pinapahalagahan ang pagkakaroon ng anak ng lalake sa pamilya.

“Hindi na niya ako in-accept as his son. Malas po kasi sa Chinese yun and ako lang ang only son,” ani Valentine.

Isa si Valentine sa mga pinaka aktibo sa mga respondents sa Christine Dacera case sa social media.

Ilang araw pa lamang noon matapos makita ang katawan ni Christine ay ginamit na ni Valentine ang kanyang social media page para ipagtanggol ang sarili

Iginiit nito na isa siyang ‘gay’ at ipinakita pa nito ang mga larawan niya habang nakasoot pambabae.

Ngunit ilan ang nagduda matapos kumalat ang CCTV footage kung saan makikita na tinuka ni Christine si Valentine.

 

Agad naman itong nilinaw ni Valentine at sinabing wala silang relasyon ni Christine at hindi siya interesado dito.

Facebook Comments