Home Celebrities Ulam na ipinadala ni Robredo kay Alex Gonzaga, ikinumpara sa ‘spaghetti’ na ipinamahagi ng VP sa mga nasa laylayan

Ulam na ipinadala ni Robredo kay Alex Gonzaga, ikinumpara sa ‘spaghetti’ na ipinamahagi ng VP sa mga nasa laylayan

0

Ilang araw na ang nakakaraan ay nag viral sa social media ang ipinamigay na spaghetti ni Vice President Leni Robredo sa mga residente ng San Mateo, Rizal.

Pinuna kasi ng ilang netizens ang itsura ng spaghetti na ipinamahagi ni Robredo at tinawag pa itong ‘anemic’.

Isa si RJ Nieto o mas kilala bilang “Thinking Pinoy” na pinuna si Robredo at tinanong kung bakit ganoon ang itsura ng spaghetti na ipinamigay ng Bise Presidente kahit na mayroon itong daan daang milyong budget.

Itinanggi naman ni Robredo na hindi sila gumastos para sa nasabing spaghetti.

“FYI, hindi po galing sa budget namin yan?? Kami lang nag distribute. Nasa caption naman,” ani Robredo.

Lalo pang naging mainit ang usapin tungkol sa nasabing spaghetti matapos umpisahang pagkumparahin ng ilang netizens ang spaghetti na ipinamahagi ni Robredo at ang ipinadala nitong ulam sa artista na si Alex Gonzaga.

Sa kanyang social media ay ipinakita ni Alex ang ulam na ipinadala sa kanya ni Robredo.

Makikita ang tig-dalawang cotainer ng laing at bicol express tofu na ipinadala ng VP sa nasabing artista.

May sulat pang kasama ang nasabing ulam na ipinadala ni Robredo kay Alex.

Hindi naman napigilan ng ilang kilalang taga suporta ng administrasyon na punahin si Robredo.

“Base sa pagkaing ipinamahagi ni Leni sa mga nasa laylayan at kay Alex Gonzaga, iisa lang ang pwedeng conclusion: mas gutom si Alex Gonzaga. I mean = isang platong spaghetti vs 2 laing + 2 bicol express tofu. And judging on the nutritional value, mas kailangan ni Alex Gonzaga ng nourishment,” ani Sass Rogando Sasot.

“Yummmm!!! SARAP!!!! Sana kami din. — Laylayan,” saad ni Krizette Laureta Chu.

“Tayo ba nagbayad non kasi from OVP,” dagdag niya pa.

Tila hindi naman napigilan ng ilang netizens na madismaya kay Alex na noon ay kasama sa thanksgiving dinner na inihanda ni Pangulong Duterte para sa kanyang mga taga suportang artista.

May ilan namang ipinagtanggol si Alex at sinabing wala namang masama kung tatangapin ng artista ang regalong ulam mula sa VP.

 

Facebook Comments